Friday, October 29, 2010

chapter 11

kinabukasan pag dating ni Devon sa teatro

"ehem" nanlilisik na mata ang nakatingin kay Devon
sumenyas ito na pumunta sa harap nya ang dalaga
nakita ni Devon si James na nandun din
huminga ng malalim si Devon at lumaapit

"where did the two of you go yesterday?!" panimula ni Mrs.Perez
"ma'am kasi po --"
"kasalanan ko po ma'am" sabat ni James
"is this true miss Soriano?" tanong ng prof nila
tumingin si Devon kay James
inaayos ni James ang salamin nang tumingin sya kay Devon
sinenyasan nya ito na sya na ang bahala
"yes ma'am" sagot ni Devon
"well then, three more hours of rehearsal for the two of you" sabi ni Mrs.Perez sa dalawa
siguradong gagabihin nanaman sila Devon at James
"pero ma'am nag practice naman po kme kahapon nung umalis kame" sabi ni Devon
"miss Soriano, hindi mo pa ba ako kilala? you have to pay the price of what you've done, kaya nga kayo nandito diba?" sagot nito
tumango na lang si Devon
umalis na ang prof nila

"sorry" sabi ni James
"okay lang un, yan, quits na tayo" sabi ni Devon na nakangiti
ngumiti na lng din si James pero nahihiya xa
___________________________________________________________________________

general practice nila ngaung araw
excused silang lahat sa mga klase nila dahil sa play na pinaghahandaan

"Ann? tapos na ba lahat ng costume?" tanong ni Jenny
"malapit na, ung kay Devs na lang ung kulang, oh my gosh! I'm sure this will fit her best, actually, kahit anong ipasuot sa kanya, she looks pretty!" sabi ni Ann na nakangiti
napangiti din si Jenny sa nakita


"hey! put that down muna!" sigaw ni Ryan na nasa stage
"hey! hey! don't do that! it will fall!" sabi din ni Bret


"Pat! hinahanap ka ni Devs" sabi ni Fretzie
"bakit daw?" tanong ni Patrick
"eksena nyo ung ipapractice, ay wait! natin plang tatlo" nakangiting sagot ni Fretzie
"cge cge, tara" sagot ni Patrick at inakbayan si Fretzie pabalik sa stage


busying busy ang lahat sa preparation para bukas
si James naman ay nasa isang upuan sa pinaka harap at naka-slouch, animoy inaantok
lumapit sa kanya si Ivan

"hey" bati ni Ivan at umupo sa tabi ni James
"hey, I'm getting sleepy already" sabi ni James
"I can see that, but will you fall asleep if --" sabi ni Ivan na may nakakalokong ngiti
"what?" tanong ni James
tinapik lang ni Ivan sa balikat si James at tumayo na
pumunta si Ivan kay Ann at hinalikan ito ng mabilis sa lips
naka sunod ng tingin si James kay Ivan
bumalik si Ivan sa tabi James
"what was that about?" tanong ni James
"nothing, I just want to kiss my girl, is that bad?" tanong ni Ivan na nakangiti
ngumiti na lng si James at tumingin kay Devon na may inaayos sa stage

napatingin si James sa taas
"sh*t!" biglang tumayo si James at walang anu-ano ay tinalon paakyat ang stage
"Devon!" sigaw ni James
napatingin si Devon kay James
sa isang kisap mata, nakayakap na si James kay Devon
nagulat si Devon at ..

*BLAG!!!* isang malakas na impact ang naramdaman ng lahat ng nasa stage
isa sa mga nakasabit na props ang nahulog sa kinatatayuan ni Devon kanina
palapit pa lang sila Fretzie at Patrick kay Devon, buti at mejo malayo pa sila ng bumagsak ang props kaya hindi sila napaano

napahiga sila James at Devon
nakasaklob ang kamay ni James sa ulo ni Devon para protektahan ito
halos mahulog na din ang salamin ni James sa ginawa
walang makapag salita sa nangyari
natulala si Devon
nagtakbuhan ang mga tao palapit sa kanila

"Devon? Devon!" tawag ni James
nawalan ng malay si Devon
huling nakita ni Devon ay ang mukha ni James at ang ingay ng mga taong nasa paligid nila
___________________________________________________________________________

"James are you sure?" tanong ni Ann
"yeah, balik na kayo dun, ako na bahala kay Devon" sagot ni James
"alagaan mo si Devon ha?" sabi ni Fretzie na nagaalala
lumapit si Bret kay James at bumulong
"dude, you're a knight-in-shining-armor!" sabi ni Bret na nakangiti at tinapik ang balikat ni James
"take care of you're beautiful maiden" dagdag pa ni Bret
nilapitan ni Bret si Fretzie at pinapakalma ito

naghihintay sa labas ng clinic sila Ivan, Patrick, Jenny at Ryan
"is Devon okay now?" tanong ni Jenny
"I'm lilly sorry, I told the guy to put it down muna, buti na lang James is fast" sabi ni Ryan
"is she gonna be fine?" tanong ni Patrick
"yeah, si James na lang muna magbabantay sa kanya" sagot ni Ann
"mamaya siguro makakabalik na sila" sabi ni Bret at nagumpisa na silang maglakad pabalik sa teatro
___________________________________________________________________________

after 30mins.
"mmmmm"
"Devon?" sabi ni James at lumapit sa kinahihigaan ni Devon
"James?" mahinang sabi ni Devon
"are you okay? do you want water? are you hungry? what do you need? God! I almost lose you" sunod-sunod na tanong ni James, at sa huling nasabi nya natigilan sya
"I mean, we. well you get what I mean" paliwanag nya at ngumiti
ngumiti din si Devon
"anong nangyari?" tanong nya at pinilit tumayo
nahilo si Devon
"wait, don't stand up yet, here" alalay ni James at nilagyan ng unan sa ulo si Devon habang nakaupo
"thank you, anong nangyari?" muling tanong ni Devon
"you fainted" sagot ni James at inabutan si Devon ng inumin
"ha?! baket?"
"may bumagsak na props"
"nahulugan ako?!"
"no! I saved you, see?" sagot ni James at pinakita ang gasgas sa braso
nanlaki ang mata ni Devon
"hala! naku, sorry ha?" sabi ni Devon at pilit lumapit kay James
"hey, I'm fine, you just rest" sabi ni James at pinaupo si Devon

dumating ang nurse
"Devon? gising ka na pala, okay ka na ba?" tanong nito
"mejo nahihilo pa po" sagot ng dalaga
"sige, magpahinga ka muna ha?" sabi ng nurse at umalis muli

"are you hungry?" tanong ni James
"no, I'm fine" sagot ni Devon
___________________________________________________________________________

pagkalipas ng 30mins. ay umalis na sila Devon sa clinic
"are you sure you're fine?" tanong ni James
"oo nga, okay lang ako, wag ka na mag-alala" sagot ni Devon
wala pang alas tres kaya pwede pang bumalik sila Devon sa teatro para mag praktis
pero makulit si James kaya pinakain muna nya si Devon
"ikaw ha, inii-spoiled mo na ako!" sabi ni Devon habang tinitignan ang pagkaing binili ni James
"hindi ah, para lumakas ka" sagot ni James na nakangiti
ngumiti si Devon at kumain na sila
___________________________________________________________________________

alas tres ng bumalik sila sa teatro
"oh my gosh! Devs!" sigaw ni Ann at niyakap ang kaibigan
"okay ka na ba? wala na bang masakit sayo?" tanong nya dito at hinawkan ang mukha
"okay lng ako" sagot ni Devon
naglapitan ang mga kaibigan nila

"Devs okay ka lang?"
"nasaktan ka ba?"
"baka nahihilo ka pa"
"may nabali ba sayo?"
"kaya mo na bang mag practice?"

mga naririnig ni Devon na sabi ng mga kaibigan nya
ngumiti si Devon
"hey, nagasgasan din ako ah!?" pabirong sabi ni James
"okay ka lang naman diba dude? hero ka na nga eh" sagot ni Bret at tumawa
"oo nga, okay ka lang naman James, si Devon ang iniisip namen" dagdag pa ni Patrick at tumawa din
"yeah, she's all I can think about too" bulong ni James
nagtawanan silang lahat kaya walang nakarinig ng sinabi ni James
"okay lang ako, wag na kayong mag-alala" sabi naman ni Devon
___________________________________________________________________________

alas-5 nang pauwiin ni Mrs. Perez ang ibang cast, propsmen at designer
naiwan sila Devon at James dahil sa parusa nilang tatlong oras na extention ng pag papractice

alas-6 na at nasa teatro parin ang dalawa
mejo madilim na sa loob dahil sila na lang naman ang tao
pinatay na ang mga ilaw maliban sa ilaw sa stage
nang mabagot si James ay biniro nya si Devon

"hey, what's that?!" sabi ni James na nakaturo sa likod ni Devon
"ha?! anu un?!" tanong ni Devon na ayaw lumingon
"James naman eh! wag ka nang manakot! sisigaw talaga ako" dagdag pa ni Devon
"hindi kita tinatakot!" sabi ni James at tumayo
"James!!!" sigaw ni Devon at tumayo din
"sh*t! let's get out of here!" sabi ni James at tumakbo bigla
naiwan sandali si Devon at nang makitang tumakbo si James ay walang anu-ano ay tumakbo na din sya

hindi nakita ni Devon kung san pumunta si James
nagkahiwalay sila
naiiyak na si Devon sa takot
habang hinahanap nya si James ay biglang namatay ang ilaw sa dinadaanan nya
"aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!" tili ni Devon

may dumaan sa likod nya at naramdaman nya ang lamig ng hangin
"aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!" isang sigaw pa ang binitawan ni Devon
ngayon, umiiyak na sya
"James!!!!!" umiiyak na sabi ni Devon habang binahanap si James

bigalng may yumakap sa likod nya at bumukas ang ilaw
kinakabahan si Devon, hindi nya maigalaw ang mga kamay nya
napalunok si Devon
"sorry, niloloko lang kita" bulong ni James
humarap si Devon kay James na maluha luha
"nakakainis ka!!!" sabi ni Devon at hinampas hampas si James

pinaghahampas ni Devon si James ng walang tigil
nang magumpisa nanamang magluha ang mata ni Devon ay niyakap sya ni James
"hindi kita pababayaan, wag ka nang umiyak, sorry na" sabi ni James

mejo niluwagan ni James ang pagkakayakap kay Devon
magkaharap sila
malapit ang mukha ng isa't isa
magkatitigan
mejo malapit na ang labi ni James kay Devon
isang pulgada na lang at maglalapat na ang labi ng dalawa..

"may multo ba jan?!!" tanong ng guard
inilayo nila James at Devon ang mukha sa isa't isa bago pa sila mag kiss
inalis na din ni James ang yakap kay Devon
"wag kang magpapakita ha?! may flash light ako!" sabi pa ng guard
natawa sila Devon at James sa narinig at nagpasyang lumabas ng stage at magpakita sa guard

"kuya!! nag pa-practice lng po kme kanina" sabi ni Devon
"ay jusko!!!" gulat na sabi ng guard
"sa labas na lang kayo mag practice, isara na natin tong teatro, nakakatakot!" sabi ng guard
nag ngitian sila Devon at James at lumabas na nga

Readers of "words I can't say; lyrics I can sing" please read :)

Salamat po sa lahat ng nagbabasa ng FanFic ko.
Salamat ng maraming marami, akala ko nung una walang magbabasa. ='|
akala ko kasi hindi xa ganun ka interesting, pero wag kau mag-alala, magkakaron ng twist.. soon.. =]
mambibitin lng muna ako.. pasenxa po.. pero my valid reason naman ako.. hehe

may project po kasi kami, unahin ko muna un.. mejo malapit na kasi deadline..
baka mapagalitan, tsaka gusto ko din talaga magfocus muna dun, maxado kasing madaming pumapasok sa utak ko na plot.. haha, hindi na nag po-process ng tama ung utak ko, iba-iba na ung napo-plot.. XD

pero promise, pag balik ko sa posting hindi lang isa ipopost kong chapter..
ilan ba gusto nyo? hehe, comment kau =]
may mga naka reserved na kasi, para sakaling tamarin ako mag type, aun may naka handa padin.. hehe

iwan ko na lang muna tong chapter 11 sa inyo..
ung next chapter (chapter 12), about sa play na nila un.. hoho
may patikim na.. =]

aun.. iwan ko po muna kayo..

please continue reading my FanFic, and please comment more often, for me to know what adjustments to make.

thank you po ulit.

waaaahhh! I love you all ^^,

Thursday, October 28, 2010

chapter 10

"James? anjan ka na ba?" tanong ni April na nasa kusina
"opo ate, ate labas ka jan" sabi ni James na nakangiti
"nagluluto ako, sandali lang" sagot ni April
___________________________________________________________________________

pinaupo ni James si Devon sa salas
bigla namang bumaba si Thea
"kuya!" bati nito
"Thea, halika dito" tawag ni James sa kapatid
lumapit si Thea habang tinitignan si Devon
nagpabuhat si Thea kay James at bumulong
"kuya, sino sya?" bulong nya kay James
"she's ate Devon" bulong din ni James
bumaba si Thea at lumapit kay Devon

nakatingin lng sya kay Devon
ngumiti naman si Devon
"anong gusto mo?" tanong ni Devon sa batang kaharap
tumingin si Thea sa plastik na nakalapag sa center table
kinuha ni Devon ang plastik at binuksan
umakyat muna si James at nagbihis
kinukuha na ni Thea ang gusto nya at ngumiti kay Devon
___________________________________________________________________________

sakto namang lumabas si April galing kusina
"ah, miss? sino ka?" tanong nya kay Devon
tumayo si Devon at bumati
"good afternoon po" panimula nya
"ate April!" tawag ni Thea sa ate at pinakita ang hawak na pack ng cookies
"ako nga po pala si --"
"she's ate Devon!" biglang pakilala ni Thea kay Devon
"you're Devon?! oh my gosh! I've been waiting so long to meet you" sabi ni April at lumapit kay Devon
napangiti lng si Devon
"kilala mo po ako?" tanong ni Devon
"ahh.. kasi nakwento ni James na may bago syang kaibigan, si Ann kasi kilala ko na, gf sya ng pinsan namen diba? tsaka si Fretzie, kilala ko din sya, pinakilala sya ng daddy nya nun saken" paliwanag ni April
"kilala nyo din po si Fretzie?" tanong muli ni Devon
"oo, diba businessman daddy nya? e napunta ako sa isang party, aun nagkakilala kame, so ikaw na lng hindi ko pa nakikilala buti napunta ka dito?" paliwanag nanaman ni April
___________________________________________________________________________

pababa na si James ng makita nyang kausap ni April si Devon
napatingin si Devon kay James
lumingon din si April sa kapatid at nginitian
"I see you two met?" sabi ni James habang palapit sa dalawa
"kuya, can you open this?" tanong ni Thea na inaabot ang pack ng cookies
"ate Devon gave you this?" tanong ni James
tumango si Thea
"ate, can she eat this now?" tanong ni James kay April
"no, we'll be eating miryenda soon, Thea, mamaya na yan ha?" sabi ni April at humarap kay Thea
"yes ate" sagot ni Thea
"wow, ang close nyo namang magkakapatid" sabi ni Devon habang nakatingin kay Thea
"baket? kayo ba ng mga kapatid mo?" tanong ni April
"close din naman po, pero parang iba po kayo eh" sagot ni Devon
"gusto mo maging kapatid na din namen? tsaka wag mo na ko masyadong i-po, di pa naman ako ganun katanda" sabi ni April at ngumiti
mabigla si Devon sa unang sinabi ni April, pero hindi na nya ito sineryoso at ngumiti na lang
___________________________________________________________________________

"nanay? handa na po ba ung miryenda?" tanong ni April sa kasambahay
"dadalhin na jan" sagot nito
"James, help nanay" sabi ni April sa kapatid
"opo ate" sagot ni James at tumayo sa kinauupuan

pagbalik ni James ay may dala dala na syang pingan ng malagkit
"wow! malagkit!" sabi ni Devon
"mahilig ka sa malagkit?" tanong ni April kay Devon habang kumukuha
"opo" sagot ni Devon
inabutan ni April si Devon ng miryenda
habang kumakain ay nagkwekwentuhan sila April at Devon
pinapanuod lng naman ni James ang dalawa habang nag kwewentuhan ang mga ito
___________________________________________________________________________

pagkatapos kumain ay nag pahinga na muna si April
at si Devon naman ay naiwan kasama nila Thea at James
"let's continue practicing now" sabi ni James at kinuha ang script
"sige" sagot ni Devon at kinuha din ang sariling script
naglalaro si Thea sa gilid nila
___________________________________________________________________________

hindi namalayan ng dalawa ang oras, kaya mejo madilim nanaman ng maihatid ni James si Devon sa bahay

"hala, asan na sila?" tanong ni Devon habang hinahanap ang mga magulang at kapatid
"mama?! papa! ate!!" tawag ni Devon, pero walang tao sa bahay
"naka lock pa! anu ba yan!" inis na sabi ni Devon
hindi pa naman umaalis si James sa harap ng bahay nila Devon
hinihintay nyang makapasok ito
"what's taking her so long to get in?" tanong ni James na nasa loob ng kotse

lumapit si Devon sa kotse ni James
"wala pa sila, anung oras na" kinakabahang sabi ni Devon na nagbabadya nang umiyak
"whoa! hey, don't cry!" sabi ni James at lumabas ng kotse
"don't worry, they'll be home soon" pagpapakalma ni James
"anung oras na eh, hindi ba nila ako naalala?" sabi ni Devon na may mga luha nang malapit bumagsak
"hey! don't cry, I'll call your dad" sabi ni James at kinuha ang cp at tumalikod kay Devon
___________________________________________________________________________

limang beses nagring bago sagutin ang tawag
"tito? asan na po kayo?"
"James? pauwi pa lang, kasama mo ba si Devon?"
"opo, tito, matagal pa po ba kayo?"
"mejo, mga 30mins. wag mo na lng muna iwan si Devon"
"sige po"
"sige, salamat"
___________________________________________________________________________

"pauwi na daw sila" sabi ni James na paharap kay Devon
nagulat sya dahil umiiyak na si Devon
"sh*t! she's crying, damn!" sabi ni James sa sarili
"Devon, get in the car" pinaupo nya si Devon sa passenger seat
hindi nagsasalita si Devon
kinakabahan naman si James
"where is the grocery store?!" hanap ni James
nang mahanap ang grocery ay agad bumaba si James at tumakbo sa loob

nahihimasmasan na si Devon
tumigil na sya sa pagiyak
naiyak sya sa dahil sa tampo sa mga magulang at kapatid
"di na nga ako nakasama, tapos hindi pa nila ako naalala? anung oras na kaya!" sabi ni Devon habang humihikbi
dumating na si James
binuksan nya ang pinto ni Devon at inabutan ng ice cream, lollipop, chocolate, at inumin
natawa si Devon sa inabot ni James
"why are you laughing?!" tanong ni James na nagaalala at inayos ang salamin
"ano ako? bata?" natatawang sabi ni Devon
"I couldn't find anything better" nakangiting sabi ni James

nang abutin ni Devon ang mga bigay ni James ay nanlaki ang mata nya sa sunod na inabot ng binata
nakatingin lng si Devon sa hawak ni James, di makapag salita
"don't cry again okay?" sabi ni James habang nakaabot ang isang boquet ng bulaklak
"san to galing?" tanong ni Devon at tinignan si James
"remember when you brought food the first time we went to Angel's Park?" tanong ni James
parang anlayo ng sinabi nya sa tanong ni Devon pero tumango na lang ang dalaga
"when I ask you, where you hide those, you told me that 'magaling ako eh', now, it's my turn to say 'magaling ako eh!'" sabi ni James na naka ngiti at hawak padin ang bulaklak
"can you take it now? nakakangawit" sabi ni James
natawa si Devon
"thank you, you never fail to make me laugh, and smile" sagot nya
"welcome, don't cry again okay?" sabi ni James at sumakay na uli
"I'll take you back home" sabi ni James at pinaandar na ang kotse
___________________________________________________________________________

pagdating nila sa bahay nila Devon ay may ilaw na sa loob ng bahay
"anjan na sila" sabi ni Devon na mejo dismayado
"why are you sad?" tanong ni James
"didn't I told you to never cry again? that includes being sad" sabi ng binata
ngumiti naman si Devon at bumaba na sila

binuksan ni Devon ang pinto ng bahay nila
"hala ka!" nasabi ni Devon sa gulat
"ma? pa? ano to?" tanong ni Devon
"good luck sa play anak, pasensya na kung natagalan kme ha" sabi ng mama ni Devon
naghanda sila ng maliit na salo-salo para kay Devon
"kelan nyo po ginawa to?" tanong ni Devon
"kanina, pag-alis nyo ni James" sagot ng ate Dimple nya
tumingin si Devon kay James
hinampas nya ito
"ouch! what was that for?" tanong ni James na nakangiti, pero nasaktan
"alam mo to?!" tanong ni Devon na naluluha nanaman
"no I don't, hey, what did I told you earlier?" paalala ni James
ngumiti naman si Devon at yumakap sa mga magulang at kapatid

pagkatapos kumain ay nagpaalam na si James
___________________________________________________________________________

pagbalik ni Devon sa loob ng bahay ay naka tingin ang dalawa nyang kapatid sa kanya
"ehem" simula ni Dhemy
tumingin lng si Devon sa dalawang kapatid
nagharap ang dalawa at inilabas ni Dhemy ang boquet ng bulaklak galing sa likod at inabot kay Dimple
"Devon, flowers for you" sabi ni Dhemy na natatawa
"thank you James" sagot ni Dimple na tumatawa din
"oy! hindi kaya! papa oh! sila ate" sabi ni Devon
"tigilan nyo na kapatid nyo" sabi ng papa nila na nakangiti
"nanliligaw na sayo un noh?!" sabi ni Dimple at ibinalik kay Devon ang boquet
tumingin naman ang papa nila
tinignan ni Devon ang ama at sumagot
"hindi noh" sabi nya na may namumulang pisngi
"wooh! hindi daw pero kinikilig na yan!" pang aasar ni Dhemy

"nak" tawag ng papa nila
lumapit naman si Devon na kinakabahan
"bakit po papa?" tanong ni Devon
tinitignan ng papa nila ang bulaklak na hawak ni Devon
"okay naman saken si James, pero wag ka muna mag bo-boyfriend ha?" sabi nito
"hala, si papa, parang sila ate na, hindi naman po nanliligaw si James eh, tsaka wala pa po akong balak mag bf" sagot ni Devon
ngumiti ang papa nila at pina akyat na si Devon para makapag pahinga
___________________________________________________________________________

bago matulog si Devon ay nilagay nya sa vase na may tubig ang mga bulaklak
napangiti sya habang tinitignan ang ito
biglang tumunog ang cp nya

"unregistered number? sino to?" sabi ni Devon sa sarili
"good night, sweet dreams, be ready sa sermon ni Mrs. Perez bukas, I'm sorry I got you into it"
"James?"
"yup =)"
"pano mo nakuha number ko?"
"well, I'm not that close to your dad, so I didn't get it from him" sagot ni James na kabaliktaran ang ibig sabihin
napangiti naman si Devon
biglang tumawag si James

"hello?" bati ni Devon
"good night" sabi ni James
"good night, thank you nga pala sa bulaklak" sagot ni Devon
"no problem, rest now okay?" sabi ni James at nag paalam na

nakangiting nakatulog ang dalawa

Wednesday, October 27, 2010

chapter 9

saglit pa ay nagsalita na si April
"I don't know what to do James, hindi na sya ang iniiyakan ko" sabi ni April at pinunasan ang mga mata nyang
malapit nanamang umiyak
napakunot noo si James
"James ... I'm pregnant" nanginginig ang boses ni April at tuluyan nang bumuhos ang mga luha nya
___________________________________________________________________________

parang binagsakan ng langit si James sa narinig, natulala sya, nanghina, at nabitawan ang hawak na baso
naiiyak si James, pero ayaw nyang makita ito ni April
agad nyang hiyakap ang kapatid
"I don't know what to do James, who will be the father of my child?" umiiyak si April sa kapatid
hinahayaan lang ni James ang ate nya na iiyak lahat ng sama ng loob nito
nang maalala ang sitwasyon ng kapatid ay pinatahan nya na rin ito
"ate, stop crying, it's bad for the baby" sabi ni James na pilit pinapatahan si April
pinunasan ni April ang mga luha nya, at huminga ng malalim

"pano ko sasabihin kay daddy to?" naiiyak padin si April
"don't worry ate, I'll be at your side when you tell it to dad" pagpapalakas ni James ng loob sa kapatid
"tell me what?" tanong ng daddy nila na kapapasok lng sa kwarto ni April
nagulat sila James at April
hindi nila alam ang sasabihin
halata sa mata ni April na kakatapos lng umiyak
"why are you crying princess?" umupo ang ama nila sa kama, hindi napasin ang mukha ni James na may pasa
"dad" paos na ang boses ni April
hinawakan ni James ang kamay ng kapatid, hinigpitan naman ni April ang pagkakahawak kay James
napapakunot noo na ang ama nila
"well?" tanong nito
"dad" sabi muli ni April
lumapit si April sa ama at niyakap ito ng mahigpit
niyakap din naman sya ng ama nya
"dad ... I'm ... pregnant" at muling umiyak si April
___________________________________________________________________________

tila nabingi ang ama nila
natulala sa kawalan
napabitaw sa anak
hindi makapaniwala sa narinig
napalunok sya at hindi napansing tumulo ang luha
napatingin sya sa anak na si James
napansin nya ang pasa sa mukha nito
"what happened to the two of you?" mahinahon nyang tanong sa dalawa
"may pasa ka sa mukha and you're pregnant? where did I go wrong?! and then what's next?! Thea rebeling?!" galit na sabi nito
"dad, I can explain" sabi ni April
"go ahead! I'm listening!" galit na sabi padin nya
"dad, please calm down" naiiyak nanaman si April

pinilit nitong kumalma at pinakingan ang paliwanag ng anak
"dad, I'm sorry" panimula ni April
"who's the bastard father of your child?" biglang tanong ng daddy nila
"it's Jack, dad" mahinang sabi ni April
napatingin si James sa kapatid, at muli, ang mga kamay ni James ay naging kamao
"sh*t!" mahinang sabi ni James at tumalikod
pilit pading kinakalma ng ama nila ang sarili
"how many months old?" tanong nito
"two months, dad" ipinikit ni April ang mga mata nya para pigilin ang pagpatak ng mga luha nya
lalong humigpit ang kamao ni James
"how can he do this to my sister! I'm gonna kill him" sa isip isip ni James
"does he know?" tanong ng daddy nila
"no dad, we broke up, he have another woman" sagot ni April at muling naiyak
"stop crying, you'll give birth to that child, and you'll take care of it" mahinahong sabi nito sa anak
pinilit ngumiti ni April
___________________________________________________________________________

"and you?" sabi ng ama nila na tinatanong si James
"dad, I can explain for him" sagot ni April
"I want him to explain for himself" pangongontra nito kay April
tumingin si April kay James pero nakatalikod ito
"James" tawag ng daddy nila
"I got on a fight with Jack" sabi ni James na hindi tumitingin sa ama at kapatid
"why?" tanong ng daddy nila
"I don't know, I just found myself punching him" sagot ni James
"for no reason at all?"
"kinakaladkad nya si ate dad! I can't let him do that! as long as I live, walang makakagalaw kila ate at Thea! remember that" mejo nagiba ang tono ng boses ni James
napayuko si April sa narinig
"I understand, so all of this crap is Jack's fault?" pinipilit padin nitong maging mahinahon
hindi sumasagot ang dalawa, tahimik lang sila
tumango ang ama nila
___________________________________________________________________________

makalipas ang 3minutong katahimikan ay tumayo sya at humarap sa mga anak
"April" tawag nya sa panganay
"I was -- no, I am mad, of course, who wouldn't be, specially if you're a father, but maybe it was also my fault, maybe I didn't pay much attention on you, maybe I was too busy, that I forgot to talk to you about this things"
"dad, none of this is your fault, you're a great father to us, but you're right, you're too busy to be reminded that you have us, Thea's looking for you dad, she misses you, we miss you dad, a lot" sagot ni April
napayuko ang daddy nila, nag isip ng malalim
"let's talk about that tomorrow, but tonight, we'll talk about you, your baby, and James" sagot nito sa anak
"yes dad" ang tanging naisagot ni April
"you'll give birth to that kid, we'll take care of him/her, we'll love him/her as much as we could, April, you made a mistake but what can I do? but to forgive you, as all parents should do, no matter what, you're still my child, I love you, even if you made such a mistake.
James, I love you son, I know this kind conversation is not what we are used to, what you did for you're sister, shows your love to her, I respect that, I'm proud of you both, even with this kind of mischiefs, I wish you're mom could be here" sabi nito na naiiyak na din
niyakap sya nila James at April
"James, don't you ever dare do something like this, I can't accept it, you getting pregnant?! damn, you should be the one getting a girl pregnant!" pabirong banta ng ama nila
nagtawanan sila
"but seriously James, don't get a girl pregnant, if you're not married to her yet, okay son?" seryosong sabi nito
"yeah dad, I promise" sagot ni James at niyakap muli ang ama
___________________________________________________________________________

kinabukasan

napagkasunduan ng pamilya nila James na tuwing sunday ay family day nila
at sa nalalapit na summer ay isang lingo silang mag oout of town
___________________________________________________________________________

"James! buti na lang I found you, rehearsal na! they're looking for you" sabi ni Jenny na nakasalubong si James
"really? okay thanks" sagot ni James at tumakbo sa teatro

"almost late Mr. Reyes" sabi ni Mrs. Perez
"sorry po ma'am" sagot naman ni James at umakyat na ng stage

"where is she?" tanong ni James sa sarili habang palinga lingang hinahanap si Devon
"dude" tapik ni Bret kay James
tinuro ni Bret si Devon na kararating lng din
tumingin si James kay Bret at ngumiti
"thanks" sabi ni James at nag focus na uli sa praktis
___________________________________________________________________________

sampung araw ng nag papraktis sila Devon at James ng play
dalawang araw na lang at mag peperform na sila

"hey, you wanna go somewhere?" tanong ni James habang kaharap si Devon
"ha? san naman tayo pupunta?" tanong ng dalaga
"I don't know, it's getting boring here" sabi ni James habang tinitignan ang mga taong gumagawa ng props
"you're right" sagot naman ni Devon na napabuntong hininga
"let's go?" tanong ni James na nakangiti
"panu tayo aalis? baka pagalitan tayo" sagot naman ni Devon na nakatingin kay Mrs. Perez
"shhh, we'll sneak out" sabi ni James at hinawakan ang kamay ni Devon

payuko silang lumabas
natatawa silang dalawa sa ginagawa nila
pagdating sa pinto ay ..
"where are you two going?" tanong ng isang pamilyar na boses
"Ryan?!" sabay na sabi ng dalawa
kinakabahan sila James at Devon
naghihintay naman ng sagot si Ryan
inakbayan ni James si Ryan at binulungan
"Ryan, don't tell anyone, please" sabi ni James at inayos ang salamin
"okay, but why?" tanong ni Ryan
tumingin si James kay Devon
mejo nagaalala naman ang itchura ni Devon
"we'll just eat, we're hungry, but please don't tell anyone, specially to Mrs. Perez, she'll get mad, okay?"
"okay, but hurry back" sagot ni Ryan at pumasok na sa loob

"phew! that was close" sabi ni James at muli na silang naglakad ni Devon
"ikaw naman kasi eh" sabi ni Devon at hinampas si James
"ouch!! why did you do that?! that hurts!" sigaw ni James at nakasimangot
"you're dad is right, you hit hard!" sabi pa ni James habang hinahaplos ang braso
"sorry, sorry, e kasi naman pag tayo nahuli, yari ka talaga saken!" sagot ni Devon at hinaplos na din ang pinalong braso
napatingin si James kay Devon habang hinahaplos nito ang braso nya, napangiti sya at hinawakan ang kamay ni Devon
nabigla silang dalawa, natauhan si James na hawak nya ang kamay ni Devon
hinatak na lang nya ito at sinabing bilisan na nila
___________________________________________________________________________

pagdating sa kotse ni James
"san tayo pupunta?" tanong ni Devon
"where do you want to go?" tanong naman ni James
"ha? malayo dito ung gusto kong puntahan" sagot ni Devon
"where is it?" tanong ni James habang iniistart ang kotse
"sa probinsya" sagot ni Devon
"aw, we don't have that time to go that far" sabi ni James
"let's just go at the Angel's park again" aya ni James
"sige! pero bili muna tayo ng pagkain, nagugutom na ako eh" sabi naman ni Devon na nakangiti
napangiti si James
"how can I resist that smile?" sa isip isip nya

dumaan sila sa grocery
tinitignan sila ng mga tao at napapngiti ang mga ito
nag ngingitian na lang silang dalawa habang pumipili ng bibilhin
nang matapos mamili ay nagbayad na sila

"andame mong binili" sabi ni James habang naglalakad sila ni Devon pabalik sa kotse
"ikaw din naman ah? kalahati lng nyan ung saken!" sagot ni Devon at tingignan ang dala ni James na plastik
nagtawanan ang dalawa at sumakay sa kotse
___________________________________________________________________________

habang nasa daan sila ..
"hala! umuulan na naman?!" reaksyon ni Devon ng biglang bumuhos ang ulan limang minuto pagkasakay nila
tanaw na nila ang Park, pero dahil umulan, hindi na sila tumuloy, nag park sandali si James
"now what? we have to practice, and we can't go back at the theater since we already sneak out, Mrs. Perez will be furious" sabi ni James habang nakatingin sa labas
"di pwede sa bahay, walang tao" sabi ni Devon
"we defenitely can't go there, people might think of something" sagot ni James
"I know where to go now" dagdag ni James at pinaandar na ang sasakyan
___________________________________________________________________________

hindi pamilyar kay Devon ang dinadaanan nila
"James, san ba tayo pupunta?" tanong ng dalaga
"it's your turn" sagot ni James
napakunot noo na lang si Devon at hinayaan na lang mag drive si James
___________________________________________________________________________

tumigil si James sa tapat ng isang malaking bahay at bumusina
ipinasok nya ang kotse nya sa loob
namamangha naman si Devon sa laki ng bahay
"James? bahay nyo? parang doble ng samen!" sabi ni Devon at sumunod kay James

"nanay? si ate po?" tanong ni James sa kasambahay
"nasa kusina po" sagot nito at tinignan si Devon
ngumiti naman si Devon dito, ngumiti na din ang matanda

chapter 8

Monday habang naglalakad si James at April galing sa parking lot ng school ..

"April!" tawag ng lalake kay April habang palapit ito
tumingin si April sa tumawag sa kanya, maging si James ay tumingin
"what are you doing here?" tanong ni James sa lalake
"James, let me talk to your sister" sabi ng lalake
"no, ate let's go" sabi ni James at hinatak si April palayo sa lalake
naiwang nakatayo ang lalake sa kalsada, saglit ng makalayo sila James ay bigla itong humabol
"James, let me explain to her" sabi ng lalake
"James" mahinang sabi ni April at bumitaw sa kapatid
wala namang nagawa si James kundi ang hayaang makausap ng kapatid ang lalake
___________________________________________________________________________

"April, it wasn't what you think it was" panimula ng lalake
"huh, not what I think it was? I'm not that stupid Jack! you were kissing, THAT wasn't I think it was? don't try to explain anymore, we're done Jack" mataray na sagot ni April, lumapit sya kay James at kumapit
naramdaman ni James na malamig ang kamay ng ate nya
"she's about to breakdown, if this conversation wouldn't end, I don't know what's gonna happen to her" sa isip isip ni James
"Jack, just go" mahinahong sabi ni James at tinignan si Jack
"James, stay out of this! will you?!" galit na sabi ni Jack dahil sa narinig na sabi ni April
"what did you just say?! YOU stay out of my sister's life!" sagot naman ni James
"you don't know what happened, so don't get involve in this conversation!" sabi ni Jack
"I don't need to know what happened, all I care about is my sister!" sagot ni James
"James" awat ni April sa kapatid
biglang hinawakan ni Jack ang braso ni April at hinatak ito palayo
"let go of me, Jack! nasasaktan ako! ano ba!" pagpupumiglas ni April

agad namang humabol si James sa kapatid
"Jack!" tawag ni James kay Jack
pag harap ni Jack ay isang malakas ng suntok ang sumalubong sa kanya
"JAMES!!" sigaw ni April at lumapit sa kapatid para awatin ito
napaupo si Jack sa simento nang masuntok ni James
tumayo si Jack at gumanti ng suntok kay James
hindi nakailag si James dahil pinalayo nya ang ate nya
"stop it!" sigaw ni April at muling nilapitan si James
sa di kalayuan ay nanduon sila Bret at Patrick
napatingin si Bret sa direksyon nila James dahil narinig nya ang sigaw ni April
agad silang tumakbo papunta kila James
"James!" tawag ni Bret na palapit
"you called for back up?" nakakainsultong tanong ni Jack kay James
muling sinuntok ni James si Jack at na-out balance silang pareho, bago pa tuluyang lumagapak ang katawan ni James sa simento ay nasalo sya ni Bret, samantalang tuluyan namang napahiga si Jack sa lakas ng suntok ni James
nilapitan ni Patrick si April na namumutla na

tumayo si Jack at tumingin ng masama kay James
nakatingin din si James kay Jack habang patayo ito
"you want more?! I don't need back up to take you down! I can kill you, and I will!" sabi ni James sa kaharap na si Jack
"dude" awat ni Bret sa kaibigan
tumingin si Jack kay April na naluluha na
"you know what?! this is sh*t! I don't need to explain to you anymore, you're right, we're done!" sabi ni Jack at umalis
"sh*t you!" sabi ni James na muli sanang susuntukin si Jack pero inawat sya ni Bret
"dude, stop it, not here" sabi ni Bret sa kaibigan
___________________________________________________________________________

tumingin si James sa ate nya at nilapitan ito
"ate" pagpapatahan nya dito
niyakap ni James ang ate nya
"I'm sorry" bulong ni James
umiiyak na si April
"what the hell was that James?!" biglang sabi ni April na may nanginginig na boses
"ate, I was just --" hindi tapos na sagot ni James
huminga ng malalim si April at pinunasan ang mga luha
"I'm sorry, if it wasn't for me, you wouldn't have been in a fight" sabi ni April
"let me take you to the hospital" dugtong pa nya
"no, I'm fine, I'll just go to the clinic, you go home and rest" sagot naman ni James
tumungin si James kay Patrick, naintindihan naman agad ni Patrick ang senyas ng kaibigan
"ate April, I'll take you to your house" sabi ni Patrick
tumingin si April kay Patrick
"no need, I can drive" pag tanggi ni April
"ate., Pat, here's the key to her car" iniabot ni James ang duplicate ng susi ni April
tumingin si April sa kapatid
"go, you need to rest" sabi ni James
"I can take care of myself, Bret's with me, so don't worry" dugtong pa nya

sumunod na si April sa gusto ng kapatid at sumakay na sila ni Patrick sa kotse nya
"Pat, take care of her" paalala ni James
"sure, don't worry, I'll take her home, I'll be back later" sagot ni Patrick
humalik si James sa noo ng ate nya
ngumiti naman si April at ganun din si James
___________________________________________________________________________

"what happened?" tanong ni Bret habang tinitignan nila na palayo sila Patrick
"long story. bottom line, I need to protect my sister" sagot ni James na dinadampi ang panga
"let's go to the clinic, we need to put some ice on that thing" sabi ni Bret na nakangiti
"nice punch" puri pa ni Bret sa kaibigan
napangiti naman si James at tinulak ng mahina ang kaibigan
inakbayan ni Bret si James dahil napansin nyang mejo nahihilo na ito
___________________________________________________________________________

"Devs!" tawag ni Fretzie kay Devon
"oh?" tugon naman nya
"si James!" kinakabahang sabi ni Fretzie
"bakit si James? ano nangyari?" kinakabahan na din si Devon
"tara na!" agad na sabi ni Fretzie
"saan?" tanong ni Devon

hinila sya ni Fretzie at dinala sa clinic
"anong ginagawa natin dito?" kinakabahang tanong ni Devon
binuksan ni Fretzie ang pinto at pinapasok si Devon
"James! anong nangyari sayo?!" tanong ni Devon at lumapit kay James na may pasa sa mukha
"he was in a fight" sagot ni Bret
"kanino ka napaaway?" tanong ni Devon kay James
"sa walang hiyang ex ni ate April" sagot ni James
nagulat Fretzie ng marinig magtagalog si James
"ha? baket? okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Devon
"yeah, I'm fine, and I'll be better if .." nakangiting sabi ni James
"what?" tanong ni Devon
"you'll kiss me" sa isip isip ni James
"nothing" sagot na lang James sabay ngiti sa dalaga
"hala, tinamaan ba yang ulo mo? para ka nang sira jan" sabi ni Devon
___________________________________________________________________________

palabas sila ng clinic ng dumaan si Jenny
si Devon ang unang nakita ni Jenny kasunod sila Fretzie at Bret, nasa loob pa si James at humingi ng gamot
"Devs!  Mrs. Perez is looking for you and --" biglang naputol ang sinasabi ni Jenny ng lumabas si James
"oh my God! baby James! what happened to you?!" nagaalala nyang tanong
"napaaway eh" sagot ni Devon
"with whom?" tanong ni Jenny
tumingin si Devon kay James, sinasabing sya ang sumagot ng tanong
"someone not worth it" sagot ni James
"don't worry I'm fine" sabi pa ni James
"what were you saying Jenny?" tanong ni James
"ah, yeah, sabi ni Mrs. Perez gusto daw nya kayo makita ni Devon" sagot ni Jenny
"where is she?" tanong ni James
"sa theater" sagot ni Jenny
___________________________________________________________________________

pumunta sila Devon at James sa teatro kasama sila Bret, Fretzie at Jenny
pagdating nila doon ay naghihintay si Mrs. Perez sa kanila habang kausap si Ann
"oh my" nasabi ni Ann ng makita ang mukha ni James
napatingin din ang prof nila ng makita ang reaksyon ni Ann
"mister Reyes?! what happened to you?!" tanong nito
"wala po ma'am, accident lang po" sagot ng binata
napataas naman ng kilay si Mrs. Perez at hindi na nagtanong
"ah, ma'am? bat nyo po kame pinatawag?" tanong ni Devon
"first day of rehearsal ngayon, you'll be working with kids, maiintindihan nyo rin ang story afterwards kung hindi nyo pa nabasa ang script, sana makasunod kayo agad, lalo na main character kayo" sabi ni Mrs.Perez
"yes ma'am" sagot ng dalawa
___________________________________________________________________________

prinaktis ang first scene
mejo natagalan din dahil mga bata ang unang magpeperform
nanunuod sila Devon at James para maintindihan nila ang mga susunod na eksena na gaganapan nila
pero talagang mahirap turuan ang dalawang bata, kaya inabot na sila ng alas sais
dumating na din ang mga sundo ng dalawang bata kaya pinagpasyahan na din ni Mrs.Perez na tapusin na ang rehearsal
___________________________________________________________________________

umuwi na din sila James at Devon
tulad ng mga nakaraang ginawa ni James ay hinatid nya si Devon sa bahay nila
tulad din ng mga nakaraang paghahatid ni James ay bumaba uli sya para magpakita sa magulang ni Devon

"hijo! anong nangyari sayo?!" gulat na tanong ng ama ni Devon ng makita ang mukha ni James na may pasa
napatingin ito ng masama sa anak na si Devon
"oh pa? bakit po?!" gulat na tanong ni Devon ng tignan sya ng masama ng papa nya
"ikaw may gawa nyan noh?!" sabi nito na may nanlilisik na mata
"hala pa! hindi po ah! James! sabihin mo nga kay papa! pinagbibintangan na ako eh" agad na depensa ni Devon sa sarili
"tito, hindi po si Devon ang may gawa neto, tsaka bat nyo naman po nasabing sya?" natatawang tanong ni James
"hindi ka pa nya nasusuntok? o nahahampas?" takang tanong ng papa ni Devon
"hindi pa po, bakit po ba?" tanong ni James
"wag mo nang pangaraping mahampas neto" sabi ng ama ni Devon sabay akbay sa anak
nahihiya naman si Devon sa sinasabi ng papa nya kay James
"pa naman eh" pag papatigil ni Devon sa ama

ngumiti lng ito at inayang kumain si James ng hapunan
"hindi na po tito, hinihintay po ako ni ate sa bahay, dun na po ako kakain" pag tanggi ng binata
"ah ganun ba? o sige, salamat na lang sa paghahatid kay Devon ha?" sagot ng ama ni Devon
"wala po un tito, sige po, alis na po ako" paalam ni James
"o Devon, hatid mo na si James" utos ng papa ni Devon
"opo, tara James" sagot ni Devon

hinatid ni Devon si James sa kotse nito
"bye, see you at the rehearsal" sabi ni James at sumakay ito sa kotse nya
"bye, pasensya pala kay papa ha? makulit lng talaga un" sabi naman ni Devon
"it's okay, I like him" sagot ni James at ngumiti
"pagaling ka ha" huling bilin ni Devon
umalis na si James at pumasok na si Devon sa loob ng bahay
kumain sya saglit at gumawa na ng assignments
___________________________________________________________________________

"ate?" agad na hanap ni James sa ate nya pagdating ng bahay
"hala ka! James! anong nangyari sayong bata ka?!" gulat na sabi ng kasambahay nila James
"wala po to nanay, si ate po?" hindi sinabi ni James ang dahilan
"nasa kwarto, naku naman! anu bang ginagawa mo? ginamot mo na ba yan?" pag-aalala padin nito
"opo nanay Saling" sagot ni James at tinapik ang likod ng kasambahay
"wag na po kayong mag-alala, kumain na po ba sila ate at Thea?" tanong nya habang kumukuha ng inumin
"hindi pa, hinihintay ka ata" sagot naman ni nanay Saling habang tinitignan si James
"akyat po muna ako kay ate" sabi ni James na may bitbit na juice
___________________________________________________________________________

bago pumunta si James sa kwarto ni April ay dinaanan muna nya ang kwarto ni Thea
"kuya!" nakangiting bati ni Thea nang sumilip ang kuya nya sa kwarto, pero nawala bigla ang ngiti nya ng makita ang pasa nito
"kuya! what happened!" alalang tanong ng bata at hinawakan ang mukha ng kuya nya
"nothing, it's just an accident, I just want to see you before I go to ate's room, are you okay? we'll have dinner later" sabi ni James
hindi makasagot si Thea, halatang nag aalala para sa kapatid
saglit pa ay hinalikan na ni James si Thea sa ulo at umalis na sya
___________________________________________________________________________

pumunta naman si James sa kwarto ni April
kumatok sya sabay bukas ng pinto
"ate" bati nya
mejo namumugto pa ang mga mata ni April
bakas sa mukha nya ang pag iyak
"oh my goodness James!" nasabi ni April ng makita ang pasa sa mukha ni James
"ate, don't worry, I'm fine" pagpapakalma sa kapatid
"no you're not! look at you, it's all my fault!" nagbabadya nanamang lumuha ang mga mata ni April
"ate, stop, it's not you're fault, promise, I'm fine, don't worry"
umupo si James sa kama ni April
"ate, are you okay? you should stop crying about that guy"
hindi umiimik si April

Monday, October 25, 2010

chapter 7

paglabas ng dalawa sa sanctuarium ay malamig ang hangin sa garden
napayakap sa sarili si Devon, napansin naman yon ni James, kinuha nya ang jacket sa bag
at ipinatong sa balikat ni Devon, napatingin si Devon kay James
nasa gitna sila ng garden, madaming ilaw sa garden pag gabi, nakasabit at nakapaikot sa mga puno
dalawa lang sila doon, nasa sariling mundo nanaman ang dalawa
magkatitig sila
kumakabog nanaman ang dibdib ni Devon
"anu ba, baka naman atakihin ako neto sa bilis ng tibok ng puso ko, tama na" sabi ni Devon sa sarili
"I want to take her into my arms, and I will never ever let go" gustong sigaw ni James ang nasa isip nya

"Devon" mahinahong umpisa ni James
kumakabog ang dibdib ng dalawa
nakikinig lng naman si Devon sa sasabihin ni James
"I l--" biglang naputol ang sinasabi ni James ng biglang may makakita sa kanila

"ma'am, sir? ano pong ginagawa nyo dito? kanina pa po sarado ang garden" sabi ng isang hardinero
"kuya pasensya na po, natrap po kasi kame kanina habang umuulan, jan po sa sanctuarium" paliwanag ni Devon sabay turo sa sanctuarium
"ganun po ba? o sige, dito po ung daan palabas" sagot ng hardinero
lumabas na sila James at Devon ng garden

pagsakay nila sa kotse ni James ay nagsalita si Devon
"thank you, I had a great time" sabi ni Devon
ngumiti naman si James "me too, I hope we could do this more often" sagot ng binata
___________________________________________________________________________

hinatid na ni James sa bahay nila Devon
bumaba din si James ng kotse para bumati sa mga magulang ni Devon at humingi ng pasensya dahil mejo madalim na
kumatok si Devon sa bahay nila, binuksan naman agad ito ng mama nya
"anak! kanina pa namen kau hinihintay, anu bang nangyare?" tanong nito habang nasa pinto sila
"sorry po ma, wala po kasi ung payong ko, e malakas po ung ulan, hindi po kme makapunta sa sasakyan" paliwanag ni Devon
"okay lang, nag-aalala na papa mo" sagot naman ng mama ni Devon at lumapit ang ama nya
"okay lang ba kayo?" tanong ng papa ni Devon
"tito, sorry po, hindi ko po sinasadyang gabihin kame" sagot ni James sa papa ni Devon
"ayos lang, ang mahalaga andito na kayo, kumain na ba kayo?" tanong nito at pinapasok ang dalawa
___________________________________________________________________________

nanlaki naman ang mga mata nila James at Devon nang makitang nasa loob ang mga kaibigan nila
"ah, nag date nga" sabi ni Patrick sa mga kasama
"oo nga eh, hindi man lang nagsabi noh?" sabi naman ni Fretzie
"they could have called, pero wala" dugtong pa ni Ann
"we were worried, but we didn't heard anything from the two of you" sabi pa ni Jenny
"yeah! Jenny was like, 'OMGash! where are they?!'" dugtong ni Ryan na inaasar ang katabing si Jenny
tumatawa naman si Ivan sa ginawa ni Ryan na pang-gagaya kay Jenny
"so? how was it?" nakangiting tanong ni Bret sa dalawa
nakatulala si Devon habang si James naman ay napaupo sa tabi ni Bret
"hey! pwedeng sumagot?.." sabi ni Ann
"ah, sorry guys, bat nga pala kayo andito?" pag-iiba ng usapan ni Devon
"here" inabot ni Fretzie ang script kay Devon
"ano to?" tanong ni Devon habang tinitignan ang hawak
"ung script, main character kayong dalawa diba?" sagot ni Fretzie
"wala na, nakalimutan na nila!" natatawang sabi ni Patrick
tinitignan ni Devon ang title
"tungkol daw saan to?" tanong ni Devon sa mga kaibigan
"we haven't read it yet" sagot ni Jenny
"ganun ba? sige babasahinn ko na lang muna" sabi ni Devon
"dalhin mo yan sa monday Devs ha? ipapaphoto copy namen" sabi ni Fretzie
"sige, teka, kumain na ba kayo?" tanong ni Devon sa mga kaharap
"we were waiting for the two of you, we are gutom na, like, yeah!" sabi ni Ryan habang humahawak sa tyan
natawa naman si Devon at inaya nang kumain ang mga kaibigan

pagkatapos kumain ay nagkayayaan na silang umuwi
"bye tito, tita!" sabi nilang lahat
"we'll be back po, nagustuhan ko po ung ulam" pilit na tagalog na sabi ni Ryan, sabay tawa sa sarili
"Devs, bye" paalam din nila
tumignin si Devon kay James at sumenyas lng sya ng paalam
___________________________________________________________________________

may mga sariling sasakyan sila Bret, Ivan, Patrick at James, meron din si Ann pero hindi nya dala dahil kasama naman nya si Ivan, hindi pa ayos ang kotse ni Fretzie kaya kay Bret sya makikisakay ngayon, kay Patrick naman sasabay sila Jenny at Ryan

"ingat kayong lahat sa pag da-drive!" paalam ni Devon sa mga kaibigan
"bye Devs, see you on monday!" paalam ng mga ito
huling umalis si James
"bye Devon" paalam nya sa dalaga
"bye, good night" sagot naman ni Devon
"ingat sa pag mamaneho ha?" paalala nya sa binata
"good night, thanks" sabi ni James sabay ngiti
___________________________________________________________________________

umalis na si James at pumasok na sa loob si Devon
umakyat na sya sa kwarto nya at humiga
agad naman syang nakatulog ng madaanan sya ng ate Dhemy nya
"bunso?.. gising ka muna, magbihis ka" malumanay na sabi ng ate nya
tumayo si Devon pero nakapikit ang mata
paglapit nya sa drawer ay nauntog sya sa isang kabinet
"aray!" napadilat si Devon
"ay naku! anu ka ba naman, hindi kasi nagiingat" sabi ni Dhemy
"magbihis ka na, tapos matulog ka na ha?" dugtong pa nya habang palapit sa kapatid
humalik si Dhemy sa noo ni Devon at umalis na ng kwarto nito
ngumiti naman si Devon at nagbihis na
___________________________________________________________________________

"dad? I'm home" bati ni James pag dating nya sa bahay
"baby bro! dad's not here yet, nasa office pa" sabi ng ate April nya
"oh, he's working late?" tanong ng binata
"maybe, pero sabi nya kanina hindi naman daw sya maxadong gagabihin" sagot ni April
lumapit naman si Thea sa kuya nya at hinawakan ang laylayan ng t-shirt nya
"hi baby, why?" tanong ni James sa bunso nila at binuhat ito
"it's almost your bedtime" dugtong ni James
"I'm scared" sabi ni Thea
"scared?" tanong ng ate at kuya nya
"there's a monster in my room" sabi ni Thea at yumakap sa kuya
"do you want to sleep at my room tonight?" tanong ni April
umiling si Thea
"how about James'?" muling tanong ni April
tumango ang bunso nila, nagtinginan naman sila April at James
"can she sleep at your room tonight?" tanong ni April sa kapatid
"are you sure Thea? you don't want to sleep at ate's room?" paninigurado ni James
"no, I want to sleep at your's kuya, I miss dad" sagot ng kapatid nila
nagkatinginan nanaman sila April at James, tumango na si James, senyas na sakanya matutulog si Thea
binaba ni James si Thea at sinabing kunin na ang mga unan nya at kumot mula sa sariling kwarto, at dalhin sa kwarto nya, agad namang sumunod ang bunso nila at umakyat
___________________________________________________________________________

"she miss dad, he's so busy this past few days" sabi ni April habang tinitignan si Thea na paakyat
"yeah, she's looking for a father figure" sabi ni James
tumingin naman si April kay James
"how about you?" tanong ni April
"me? what about me?" takang tanong ni James
"do you miss mom?" tanong ni April
nagulat si James sa tanong ng ate nya, nagseryoso si James at sumagot
"I miss mom, the day she died was the most painful day of my life, I miss her so much" sagot naman nya
"are you looking for a mother figure too? like Thea's looking for a father figure?" tanong muli ni April
tumigin si James sa ate nya
"I have you" sagot ng binata sabay ngiti
"though I miss mom, I still have you taking care of me, and I'm very thankful because of that" paliwanag nya
ngumiti naman si April at niyakap ang kapatid
"her hug, why do I feel like --" sa isip isip ni James ng ..
"kuya, it's dark in your room" biglang sabi ni Thea habang nakasilip sa hagdan
"sorry, wait, I'm coming" sabi ni James sa bunso
pinakawalan naman ni April si James para makaakyat
"ate, can you sleep at my room too?" tanong ni James habang paakyat
nagulat naman si April sa tanong ng kapatid
pilit syang ngumiti at tumango
"I'll go get my stuff, and come there later" sabi ni April sa kapatid
"we'll wait for you" sabi ni James at binuhat si Thea
___________________________________________________________________________

pagpasok ni April sa kwarto ni James ay pinapatulog na nito si Thea
nasa gitna si Thea at nasa magkabilang gilid ang mga nakakatanda nyang kapatid
"where have you been today, besides school I mean?" tanong ni April habang inaayos ang unan sa ulo nya
"it's saturday remember? Devon and I were together" sagot ni James
"oh yeah, so, how was it?" tanong muli ni Arpil
"it was great" sagot ni James na may ngiti sa labi
"I can see it" sabi naman ni April na tinutokoy ang ngiti ni James
"where did you go?" dugtong pa nya
"at Angel's garden" sagot ni James
napatingin si April sa kapatid
"the garden you and mom used to go to?" tanong nya sa kapatid
"yeah, this is the first time I brought somebody else there, except for you" sagot ni James
"I think you're falling for her" seryosong sabi ni April
"you're growing up" nanginginig na boses na sabi ni April
napatingin naman si James sa ate nya
"why are you crying?" tanong nyang may pag-aalala
"nothing, maybe, if mom is here, she'll be the one feeling this" sagot ni April
hindi naman sumagot si James
"do you miss her?" bigla nyang tanong
"yes, so much, I was mad at her when she left, she left me with big responsibilities" sabi ni April
___________________________________________________________________________

tinitignan ni James ang ate nya, hindi ganto si April, hindi umiiyak ang ate nya sa mga simpleng bagey, alam nyang may mali
"what's wrong? is there a problem?" tanong nya sa ate nya
"nothing, this is nothing, hindi ito ang dapat kong iniisip" sagot ni April
tumayo si James at lumapit sa ate
"ate, what's wrong? you can tell me" pagdamay ni James sa kapatid
tumingin lang si April sa kapatid at hindi namalayang tumutulo na ang mga luha nya
"ate" pagpapatahan ni James sa ate, niyakap nya ang ate nya na lalong umiyak
"we broke up" nanginginig na boses ni April
natigilan si James, ang kamay naman nyang nakayakap sa kapatid ay naging kamao
"what happend ate? anong ginawa sayo ni kuya Jack?" tanong ni James
"I saw him with another woman, they're kissing, I can't bear it, what the ****! I was so stupid!" iyak ni April sa kapatid
lalong humigpit ang kamao ni James
"what the hell was that guy doing?! I'm gonna kill him, sh*t!!" asar na sabi ni James
hindi na makapagsalita si April
"ate, stop crying, he's not worth it" pagpapatahan ni James

maya maya ay naalimpungatan si Thea at nagising
"kuya? why is ate crying?" tanong ni Thea at yumakap sa ate
"nothing baby, ate is just .. don't worry" palusot ni April sa bunso nila at pinatulog na uli ito
tinitignan ni James ang kapatid
"ate" tawag nya
"James, don't worry, I'll get over this soon" sabi naman ng ate nya na pinupunasan ang mga luha
pinilit ni April ang sarili na ngumiti para hindi na magalala si James
alam ni James na kahit nakakangiti na ang kapatid ay pilit lang iyon
alam nyang nasasaktan ang ate nya
hindi kaya ni James na makita ang ate nya ng ganun
tumalikod na si April at pinilit matulog
bumalik na din si James sa pwesto nya at pumikit
___________________________________________________________________________

"manang?" tawag ng daddy nila James
"po? sir?" sagot ng kasambahay nila
"asan po ang mga bata? tulog na po ba?" tanong ng daddy nila habang nag tatangal ng kurbata
mag aalauna na halos ng dumating ito sa bahay
"tulog na po ata, nasa taas na po sila sir" sagot ng kasambahay nila
"sige po manang, matulog na din po kayo" sabi ng daddy nila
umakyat ito para tignan ang mga anak
unang pinuntahan nya ang kwarto ni Thea
"where's Thea?" tanong nya sa sarili nang hindi makita ang bunsong anak sa kwarto nito
isinunod nya ang kwarto ni April dahil inakalang duon natulog ang bunso
"what the? where are they?!" kinakabahang hanap ng ama nila
pagdating sa kwarto ni James ay nakahinga ito ng maluwag
pumasok sya sa kwarto ni James, tinitignan ang mga anak na natutulog
"look at them Laurice, you could have waited til they've grown, but you just have to go early" sabi ng daddy nila
napapikit ang ama nila, naalala nya ang mommy nila James
tumayo sya at lumabas ng kwarto
narinig ni James ang ama nya
pumikit na lang si James hanggang sa makatulog na sya

chapter 6

"guys? where's Devon and James?" tanong ni Jenny sa mga kasama
"told you" bulong ni Ann kay Ivan
"maybe they're together?" sabi ni Bret
"do you think they'll come here?" tanong ni Jenny
"James said that he's going someplace today, so he wont be here" sagot ni Ivan
"so, if they're together, hindi din pupunta si Devs dito" dugtong ni Patrick
"maybe, they are dating" sabat naman ni Ryan
"let's just ask them on Monday" sabi ni Ann
___________________________________________________________________________

kadarating lng ni Fretzie
"hey guys, ung list, nakapost na" sabi nya sa mga kasama
"what list?" tanong ni Patrick
"ung list para sa mga roles, remember? nag audition tayo kahapon?" sagot ni Fretzie
"so? what's our roles?" tanong ni Ann
"well, not all of us made it on the audition" sagot ni Fretzie
"whew! buti na lang, I don't want to memorize lines and stuff" sabi ni Ann paniniguradong hindi sya kasali
"mas gugustuhin ko pang gumawa ng costume, kesa mag act" dugtong pa nya
"so, where's the list? did you write it down?" tanong ni Bret
"yeah, eto oh" iniabot ni Fretzie ang papel sa mga kaibigan
bigla naman silang nagkumpulan habang tinitignan ang mga role na gagampanan nila

====================================
cast:

Devon: Emily / Em-em -- a simple girl, living a simpe life
James: Denielle / Dee-dee / Dexter -- a boy who lives the "life"
Bret: Nathan / Naye -- Denielle's bestfriend
Jenny: Vallerie / Vanessa -- Denielle's half sister
Ivan: Christopher -- Denielle's manager
Patrick: Tyron -- Emily's suitor
Fretzie: Sheena -- Emily's bestfriend
Ryan: Tailer -- Vallerie's boyfriend
===================================

"that's all? so I'm not really in the play?" tanong ni Ann
"well, not really, Mrs. Perez talked to me, and asked me, if I could ask you to be the costume designer of the play,  she said she saw your designs last week was it? and nagustuhan nya daw, she had a plan for you after all" paliwanag ni Fretzie
"really?! I love it! I got the best role!" tuwang sabi ni Ann
"I don't need to memorize lines, and best of all, I'll do what I do best!" dugtong pa nya
___________________________________________________________________________

"guys? asan sila Devs?" hanap ni Fretzie kila Devon at James
"no one knows, why?" sagot ni Bret
"I need to give her the script, eto pa lang binigay ni ma'am eh, photo copy na lang siguro tayo, di naman siguro mahihirap lines natin, tsaka madami pa namang cast, hindi lang tayo. I wonder nga why may mga bata, siguro little James and Devon un!" sabi ni Fretzie
"just give it to her tomorrow, or on Monday" sabi naman ni Jenny
"or, I could give it to her sa bahay nila" sagot ni Fretzie
"no! they might be on a date right now, later na lang, mamayang gabi" sabi ni Patrick
"on a date? sure kayo?" tanong ni Fretzie
"we don't know, ang alam lang namen, wala sila dito ngayon" sagot ni Patrick

"hmmm, date din tayo guys!" natatawang aya ni Fretzie sa mga kasama
"sure! call ako jan!" sagot ni Bret
"basta, ikaw ang date ko" dugtong pa nya sabay kindat kay Fretzie
"whatever Bret!" nakangiting sagot ni Fretzie
"it's not really a date okay! I mean gala tayo, pasyal, gimik. ALL together" dugtong pa ni Fretzie
"oh well, at least I tried" sabi ni Bret na nakangiti at tumayo na
"tara guys!" aya nya sa mga kaibigan
namasyal sila, at nanuod ng sine
___________________________________________________________________________

samantalang sila James at Devon naman ..

"is it far?" tanong ni Devon sa nagmamanehong si James
"no, not really, it's just a 20mins. trip" sagot ni James
"matagal din kaya ang 20mins." sabi naman ni Devon
"which ever, point is, we're going there" sagot ni James na nakangiti
pagkalipas ng 15mins. ay dumating na sila
___________________________________________________________________________

"Angel's Park" basa ni Devon sa karatula
"let's go" aya ni James sa dalaga
mejo malayo ang entrance sa parking lot
sa entrance pa lang ay may mga angel na, mga kerubin

pagpasok nila ..

"wow! ang ganda! andaming bulaklak, may maliit na falls pa oh! tapos may pond, ay! may mga isda! andame pang statwa ng angels ang ganda ganda naman dito! andaming puno, parang anlayo layo natin sa syudad!" tuwang sabi ni Devon na parang bata
nakatingin lang naman si James sa kanya na napapangiti
tinignan ni Devon si James
"thank you ha" sabi nya sa binata
nagulat si James ng biglang kausapin sya ni Devon
"uh, welcome? but why thank me?" tanong ni James
"e kasi dinala mo ako dito" sagot ng dalaga
"this place is special to me, I guess this is the best place I could take you to" sabi ni James
"baket special?" tanong ni Devon, at niyayang umupo si James sa ilalim ng puno malapit sa falls
"my mom, used to bring me here when I was a kid, mostly when I'm sad" paliwanag ni James
"are you sad?" tanong ni Devon
"what? sad? why did you ask?" takang sagot ni James
"cause you brought me here, you said that when you were a kid and you're sad, your mom brings you here" sagot ng dalaga
napangiti naman si James
"no, I'm not sad, in fact, I'm happy" sagot ni James
"talaga?" paninigurado ng dalaga at ngumiti

"ay oo nga pala, may dala akong mga pagkain" sabi ni Devon sabay kuha ng malaking bag
"where did you hide that? why didn't I saw it earlier?" takang tanong ni James
"magaling ako eh!" sagot ni Devon na nakangiti habang inaabutan si James ng pagkain
ngumiti lng naman si James at inabot ang ibinibigay ni Devon
"thanks, you made this?" tanong ni James kay Devon habang tinitignan ang sandwich na bigay ng dalaga
"yeah, tinulungan din ako ni ate Dhemy" sagot ni Devon
kumain silang dalawa habang nagkwekwentuhan
___________________________________________________________________________

habang kumakain ay may pumatak na tubig sa mukha ni Devon, at agad namang napapikit ang dalaga
hinahanap nya ang panyo ng biglang inabot ni James ang panyo nya
"here, take it" sabi ni James habang naka abot ang panyo kay Devon
"wag na, ok lng" sagot naman ni Devon
"don't worry, walang germs yan" sabi ni James na nakangiti
ngumiti din si Devon at inabot ang panyo ni James
"thank you, gusto mo labahan ko muna to?" tanong ni Devon
"why?! no need, it's okay" sagot ni James

pagkaabot ni Devon kay James ng panyo ay biglang umulan
"what the?! how could it rain in such a sunny day?" sabi ni James at tinulungang mag ligpit ng gamit si Devon
"wala bang shed dito?" tanong ni Devon habang inilalagay ang mga dala nila sa bag
pagkaligpit nila ay biglang hinawakan ni James ang kamay ni Devon
nagulat naman si Devon nang bigla syang hinatak ni James
"in here" sabi ni James habang hinahatak si Devon papasok sa butterfly sanctuarium
___________________________________________________________________________

"wow!" sabay nilang nasabi
namangha ang dalawa sa dami ng mga naglilirapang paru-paro
hindi sila makapag salitang dalawa
tinignan ni James si Devon na lumalapit sa mga paru-paro
"you look like an angel from heaven" bulong ni James
"what?" tanong ni Devon at napatingin kay James
"nothing" sagot naman ng binata

habang nilalaro ni Devon ang mga paru-paro ay pinapanuod sya ni James
"is it always like this in here?" tanong ni Devon na may paru-paro sa daliri
"no, this is the first time I saw them flying around, ususally they're just on the flowers" sagot ni James

"wait, I just remember, it's saturday right? the garden closes at 3pm, it's almost 3!" sabi ni James
"what?! wait, I'll look for my umbrella" sagot naman ni Devon at hinanap ang payong sa loob ng bag
"hala, naiwan ko ata ung payong ko" dugtong ng dalaga ng hindi makita ang payong nya
napatingin silang dalawa sa labas
"it's still raining, hard, how are we gonna get back to the car?" sabi ni James habang nakatingin sa bintana
"oo nga, anlayo pa ng entrance sa parking lot" sabi naman ng dalaga
"let's just hope the rain stops soon, my cellphone battery is running low" sagot ni James
"naku, ung saken two bars na lang" sambit naman ni Devon
"does our friends know this place? baka naman pwede tayong magpasundo sa kanila?" dugtong ni Devon
"they don't know this place, this is the first time I brought a friend here" sagot ni James sa dalaga
napangiti naman si Devon, pero mejo nasaktan din "friends lang ba talaga?" tanong nya sa sarili
___________________________________________________________________________

buong hapon nang umuulan, at lalo pang lumakas ang ulan
nag text na si Devon sa mama nya na malalate sya ng uwi at kasama nya si James
sinabi na din nya sa ina na malapit nang maubos ang battery ng cellphone nya dahil baka magalala ito pag hindi na sya nagtext o tumawag

"may tao pa po ba jan? andito pa po kame" tawag ng atensyon ni Devon pero wala nang tao sa garden
naguwian na ang mga empleyado at ang mga hardinero naman ay malayo sa kanila
"it's already 4:30" sabi ni James
"I'm sorry" dugtong pa nya
tumignin naman si Devon sa kanya
"what are you sorry for?" tanong ng dalaga
"we were supposed to have fun" sagot ni James
"I'm having fun" sagot ni Devon sabay ngiti
"you're just saying that" sabi naman ni James at yumuko sabay ayos ng salamin
"no, I'm not, James look at me" sabi ng dalaga at tumapat kay James
"this is the best week for me, you know why?" sambit ni Devon
tumingin si James sa kanya na nagtataka "why?" tanong nya
"because, I found a set of friends, mostly I found a you" seryosong sabi ni Devon
hindi nila inaasahan ang eksenang yon
"I mean, I found a good, great friend like you" paliwanag ni Devon sa nasabi
ngumiti lng naman si James "just a friend?" sa isip isip nya
___________________________________________________________________________

sa isa't kalahating oras na nasa loob ang dalawa ay panay kain lng ang ginawa nila,
madaming dala si Devon kaya hindi sila nauubusan
nagkwentuhan din sila tungkol sa mga sarili
"Devon" tawag ni James
"hmmm?" tugon ni Devon sa pag tawag sa kanya
nagtinginan ang dalawa, pero walang nagsasalita
inalis ni Devon ang tingin kay James, napansin naman ni James na inaantok na si Devon, hindi padin tumitila ang ulan
luminga linga si James para maghanap ng mapwepwestuhan ni Devon, wala syang makita, puro paso ang nasa loob
tumabi sya sa dalaga na ikinagulat ni Devon
tumingin si Devon kay James
"you can rest your head on my shoulder" sabi ni James na nakatingin sa harap
nagulat si Devon, nag-aalangan sya, nahihiya
"it's okay James, hindi pa naman ako ganung inaantok" sagot ni Devon
hindi naman umalis si James sa tabi ni Devon
"her skin is cold, she's chilling" sabi ni James sa sarili
"ang init ng katawan ni James" sa isip isip naman ni Devon

makalipas ang sampung minuto ay hindi na napigilan ni Devon ang antok nya
mahirap ang pwesto ni Devon na nakatulog, nakita naman sya ni James na tulog na
"she's such a stubborn" bulong ni James sabay kuha ng ulo ni Devon at inilagay sa balikat nya
tinitignan ni James ang mukha ni Devon habang natutulog ito
"look at her, she's an angel, and me? I'm just a silly human" sa isip isip nya
saglit pa ay nakatulog na din si James, nakapatong ang ulo nya sa ulo ni Devon
___________________________________________________________________________

mag aalas-sais na, naalimpunatan si Devon
iminulat nya ang mata nya, napansin nyang magkasandag sila ni James
hinawakan nya ang ulo ni James para makaharap sa binata
hinawakan nya ang mukha ni James at tinignan
napangiti si Devon
ginising nya si James ng mapansing tumila na ang ulan
"James?" gising ni Devon
"nakatulog pala kmeng dalawa" bulong ni Devon habang nakangiti
"James? wala nang ulan" muling pang-gigising ni Devon kay James
nagising naman si James sa pangalawang gising sa kanya ni Devon
mukha ni Devon ang una nyang nakita pag-dilat ng mga mata
napangiti naman sya sa dalaga
ngumiti din si Devon
"wala nang ulan, makakauwi na tayo" sabi ni Devon at tumayo
tumayo na din si James at lumabas sila

Sunday, October 24, 2010

chapter 5

nakatingin din ang papa nila Devon kay Jameshalos dalawang minuto na ding nakatayo si James
"sige umupo ka na" sabi ng papa ni Devon kay James at umupo din ito sa isang sofa
tahimik lang naman si James habang tinitignan sya ng ama nila Devon
___________________________________________________________________________

sa kusina naman ay malapit nang matapos si Devon

"Devs!!" biglang tawag ng ate nyang si Dimple
nagulat si Devon dahil hindi nya napansing pumasok ang dalawang kapatid
"anu ba te?! ginugulat mo naman ako eh!" sabi ni Devon
"bat andito un?" tanong ni Dimple
"anong un?" tanong ni Devon
"si James!" sagot ng ate nya
"wala, sinamahan nya kasi ako, pagdating dito, sabi ni mama dito na sya kumain, kaya ayan" paliwanag nya sa dalawa
"hmp! sabi mo eh, good luck!" sabi ni Dimple
"bat naman good luck?" takang tanong ni Devon
"ay nako, tignan mo kaya ung bisita mo dun, parang iniistema na ni papa" sabi naman ni Dhemy
"ha?" sumilip si Devon sa salas

"nakangiti naman si papa ah?" sabi ni Devon habang nagtatago sa likod ng pader
"ano?!" gulat na sabi ng dalawa
nakitingin din sila kung anong nangyayari sa salas
"oo nga! nakangiti si papa!" sabi ni Dhemy
"pasado!" sabi naman ni Dimple
"anu bang sinasabi nyo?" tanong ni Devon at umalis sa likod ng pader
"di ba umaakyat ng ligaw yan?" tanong ni Dimple
"ano?! ligaw?! parang kakain lang dito, ligaw na?" gulat na sagot ni Devon
"hindi ba? pero okay sya kay papa ah" sabi ni Dimple habang nakatingin padin kila James
"grabe naman kau te, di na ba ko pwedeng magsama ng kaibigan dito?" tanong ni Devon habang pinapatay ang kalan
umalis sa pagkakatingin si Dimple kila James at tumingin kay Devon na naghahanda na
"pwede naman, kaso ung crush mo kasi yan eh, malay ba namen kung gusto ka din nya? tas nanliligaw sayo?" sagot ng ate nya
"shhh! anu ba yan, hindi noh! kaibigan lang tingin nyan saken, asa pa ako" sagot naman ni Devon
lumabas si Devon ng kusina at inihain na sa hapagkainan ang niluto
habang inaayos nya ang mesa na pagkakainan nila ay napapasulyap sya kila James
"mukang okay nga sya kay papa ah?" sa isip isip ni Devon
___________________________________________________________________________

"pa! ma! ate! kain na po, James lika na din" tawag ni Devon
tumayo na ang papa nila Devon at inaya na din si James na kumain
nakapagbihis na din ang mga ate ni Devon at bumaba na ang mama nila
"wow, sinigang!" sabi ng papa nila habang paupo sa kabisera
"o James, jan ka na umupo sa tabi ni Devon" sabi ng papa nila
napatingin naman sila Devon at mga ate nya kay James
"sige po" sagot ng binata at umupo sa tabi ni Devon
"kumakain ka ba talaga ng sinigang?" bulong ni Devon kay James
"yeah, this is my favorite" sagot ni James at ngumiti
ngumiti din naman si Devon at nagumpisa na silang kumain
___________________________________________________________________________

pagkatapos nilang kumain lahat ay nagkwentuhan sila sandali
"antakaw mo naman" sabi ni Devon kay James na halos maka-tatlong pingan kanina habang kumakain
"I told you, it's my favorite" sagot naman ni James
napatingin si James sa relo nya
"Devon, I need to go now" bulong nya sa dalaga
"ha?" napatingin naman si Devon sa wall clock nila
"8:30 na pala?" nasabi nya
napatingin din naman ang papa ni Devon sa orasan
"uuwi ka na James?" tanong nya sa binata
"opo, baka hinahanap na po ako samen" sagot ni James
"ah, ganun ba? o sige, sabihin mo na lang na dito ka nang-galing" sabi ng papa ni Devon
"sige po tito" sagot naman ni James
"tito? wow!" bigalng sabi ni Dhemy at ngumiti kay Devon
"baket? kaibigan sya ng kapatid nyo, ano naman itatawag nya saken? kuya?" sagot naman ng papa nila na natatawa
"ah.. okay, sabi mo pa eh" sagot naman ni Dhemy na nakangiti padin
sinipa naman ni Devon si Dhemy sa ilalim ng mesa
napakunot noo na lang si Dhemy at tumahimik na
"sige na Devon, ihatid mo na si James, at baka gabihin pa sya lalo" utos ng papa ni Devon
"sige po pa" sagot ni Devon
"tito, tita, alis na po ako, salamat po sa pagpapatuloy saken at sa pagkain" paalam ni James sa mga magulang ni Devon

hinatid ni Devon si James hanggang sa kotse ni James
"bye, thank you for the feast" sabi ni James sa dalaga
"welcome, ingat sa pag ddrive, good night" sabi naman ni Devon
"okay, sweet dreams" sabay ngiting sabi ni James
sumakay na si James at pinaandar na ang kotse
pag andar ay tinignan nya muli si Devon sa side mirror
"bye, see you in dream land" bulong ni James hanggang sa hindi na nya makita si Devon sa salamin
"bye, see you in my dreams" bulong naman ni Devon hanggang sa makalayo si James
___________________________________________________________________________

pumasok na si Devon sa loob ng bahay nila
"ma, akyat na po ako" paalam nya sa ina
"pa? punta na po ako sa kwarto ko" paalam nya naman sa ama na nasa kwarto at nagbabasa
"sige, magpahinga ka na" sagot naman nito

pagkatapos maghilamos, magsipilyo at magpalit ng pantulog ay nahiga na si Devon
nakapikit na si Devon nang bigla nyang maalala ang bulaklak na bigay ni James
kinuha nya ito at inilagay sa isang vase na may tubig
tinitignan ito ni Devon habang nakahiga sa kama
napangiti sya at ipinikit na ang mga mata
wala pa halos limang minuto ay nakuha na nya ang tulog nya
___________________________________________________________________________

dumating naman si James sa bahay nila
"dad? I'm home" sabi nya nang makapasok sa bahay
"hey! how are you? where have you been?" tanong ng ama nya
"I was at a friend's house" sagot nito at umupo sa sofa
"Bret's?" tanong ng daddy nya
"no, Devon's" sagot ni James na isinandal ang ulo sa sofa at pumikit
"Devon? a new friend of yours?" tanong ng daddy nya at umupo sa kabilang sofa
dumilat si James at tumingin sa ama
"new friend, old classmate" sagot naman ni James
"so, you two were just classmates before, but now you're friends?" tanong ng ama nya
"yeah, something like that" sagot naman nya at tumayo
"I'll go to bed now, dad" sabi pa nya
"have you eaten already? I could ask the maid to cook for you" tanong ng daddy nya
"no need, Devon cooked my favorite, so I'm full" sagot nyang nakangiti
"okay, good night then" sagot naman ng daddy nya
"good night" at pumunta na si James sa kwarto nya

nadaanan nya muli ang kwarto ni April
"ate, good night" sabi nya habang nakasilip sa pinto ng kwarto ni April
"hey, good night! where have you been?" tanong ni April sa kapatid
"at Devon's house" sagot naman ni James habang isinasara ang pinto
tumayo si April galing sa kama at hinabol si James
"tell me about it tomorrow okay?!" pahabol nya sa kapatid na malapit nang maisara ang pinto ng kwarto
"sure" sagot naman ni James

pagkahilamos, sipilyo at bihis ng damit at humiga na din si James
nakatingin sya sa kisame
"I met her family today, and her dad likes me" sabi ni James sa sarili
napangiti say at naalala ang ibinigay nyang bulaklak kay Devon
"I hope she likes it" sabi pa nya
maya maya pa ay nakatulog na din si James
___________________________________________________________________________

kinabukasan

pag gising ni Devon ay ang bulaklak agad na bigay ni James ang nakita nya
"good morning" bati nya habang nakatingin sa bulaklak
bumangon na si Devon
bago mag alas nwebe ay lumabas na sya ng bahay para pumasok

biglang may bumusina kay Devon
nakasimangot naman syang humarap sa kotse ng kung sino mang loko loko ang bumusina sa kanya
natangal ang simangot ni Devon ng makitang si James ang nasa loob
lumapit si Devon sa kotse, ibinaba naman ni James ang bintana
"need a ride?" tanong nyang nakangiti sabay ayos ng salamin
"anong ginagawa mo dito?" tanong ni Devon habang nakangiti
"it's Saturday, remember?" sagot ni James
biglang naalala ni Devon na may usapan sila ni James nung isang araw
"oo nga pala, e diba usapan natin pagkatapos pa ng klase? bat ang aga mo?" takang tanong nya sa binata
"I know where you live now, so I figure, I can pick you up to start the day" sagot ni James at ngumiti
nakangiti lng naman si Devon pero hindi sya kumikibo
"why are you still standing there? get in, we'll be late if you don't get in" aya ni James sa dalaga
parang nawala sa sarili si Devon at nang matauhan ay pumasok na din sa loob
pinaandar na ni James ang sasakyan
___________________________________________________________________________

halos 20 minuto lng at nasa campus na sila
pagbaba nilang dalawa ay saktong kadarating lng din nila Ann at Ivan sa parking lot at nakita silang ng mga ito
hindi naman agad napansin ng dalawa sila Ivan at Ann hanggang magsalita si Ann
"wow, kinikilig na ako ha? di na friends yan" pagbibiro ni Ann
nagulat naman sila Devon at James ng marinig si Ann
lumapit sila Ann at Ivan sa dalawa, inakbayan ni Ivan si James at pinaunang maglakad sila Devon
tinitignan lng ni James si Devon, nang bigalng nagsalita si Ivan
"so, are you two going out now?" tanong nya sa pinsan
"what?! no, I just happen to pick her up" paliwanag ni James
"pick her up? where?" pangbubusisi ni Ivan
"at their house" sagot ni James
"so, you already know where their house is, huh?" pangbubusisi padin ni Ivan
"yeah, I droped her there yesterday" sagot ni James at inayos ang salamin
"what else did you do there?" tanong pa ni Ivan
"did I do something wrong? it's like you're interogating me" sagot ni James na nakangiti
"I just want to know what happened, is that bad?" sagot naman ni Ivan at ngumiti

dumating sila sa tapat ng classroom ni Devon
bumeso si Devon kay Ann bago pumunta sa klase
bago naman sya pumasok ..
"James" tawag ni Devon
kumawala naman si James sa akbay ni Ivan at lumapit kay Devon
"yeah?" nakangiti nyang tanong
"bye, mamaya ah?" sagot ni Devon
"yeah, I'll wait for you" umalis na si James at ngumiti
naghihintay naman sa kanya si Ivan
"what was that about?" tanong ni Ivan na nakangiti
"that, what?" sagot ni James na parang walang alam
"yeah, whatever" sabi ni Ivan na natatawa
"James, ung kaibigan ko ha?" sabi naman ni Ann
"huh? why?" takang tanong ni James
"you know what I mean" sagot ni Ann
mejo naintindihan na ni James ang ibig sabihin ni Ann

pagtapat sa room ni James ay nagpaalam na sya kila Ann at Ivan
"see you guys on Monday" sabi nya sa dalawa
"Monday? why? hindi ka ba pupunta kila Bret mamaya?" tanong ni Ann
"no" simpleng sagot ni James
"why?" tanong naman ni Ivan
"uhm, I.. uhh, have someplace to go" magulong sagot ni James
"where?" pangungulit padin ni Ivan
"Dude, I need to go, someone's calling me" palusot ni James
"hey! no one's calling you!" pahabol naman ni Ivan, pero nakapasok na si James sa loob
"hayaan mo na, we'll know later kung magkasama sila ni Devon" ngiting sabi ni Ann kay Ivan
___________________________________________________________________________

half day lng ang mga klase pag sabado, kaya tanghali ay labasan na nila Devon at James
pagkapalabas na pagkapalabas ng prof nila James ay pumunta agad sya sa klase nila Devon
pagdating nya don ay kakatapos lng din nila Devon
naghihintay syang lumabas si Devon
nang makita nyang palabas na ang dalaga ay lumapit na sya sa pintuan
pag bungad ni Devon sa pinto ay agad syang tinawag ni James
"Devon" tawag ng binata
"uy, kanina ka pa?" tanong ni Devon
"no, 2mins. maybe" sagot ni James sa dalaga
"ready?" tanong ni James
"where are we going?" tanong ni Devon
"I know a place" nakangiting sabi ni James
___________________________________________________________________________

Saturday, October 23, 2010

chapter 4

"wooh! totohanin na kasi!" sigaw ng isa sa mga nakanuod
namula naman si Devon
"ipopost ko sa bulletin kung anu-ano ang mga role nyo, but I assure this, Devon and James, you two will be the lead characters" nakangiting sabi ng prof nila
bumaba ng stage sila Devon at James, lumapit sa mga kaibigan
halos mapunit ang mga bibig ng mga kaibigan nila sa pag ngiti
kinakabahan ang dalawa sa sasabihin ng mga kaibigan nila, tahimik lng ang mga itong nakatingin sa kanila
"one word. 'perfect'!" basag ni Bret sa katahimikan
sunod sunod sa pagsangayon ang mga kasama nila
hindi na sila halos magkaintindihan
___________________________________________________________________________

"let's eat ice cream guys" pilit na pagbabago ni James ng usapan
"oo nga! tara, mainit guys, kain tayo ice cream" pag sangayon ni Devon
pumayag naman ang mga kasama nila pero hindi padin natatapos ang usapan tungkol sa dalawa

tahimik lng naman sina James at Devon ng mapansin sila ni Ivan
tumahimik din si Ivan, na sinundan ng mga kaibigan nila
napatingin sila Devon at James sa mga kasama
"o? bat kayo natahimik? nakatingin pa kayo samen? anu na naman ba yan?" tanong ni Devon sa mga kaibigang nakatingin sa kanila
"wala, baket? masama na bang tumigin ngayon?" sagot ni Ann na napapangiti
"weeh? ay nako! kilala ko yang mga tingin nyong yan, may sasabihin na naman kayo" sabi ni Devon
"wala ah! to naman, parang tinitignan lang" nakangiting sagot ni Fretzie
"ay ewan ko sa inyo" sagot ni Devon
nakatingin lng din naman si James sa dalaga habang kausap nito ang mga kaibigan nila
"so lagi na kayong mag papraktis na mag kasama?" tanong ni Patrick
"of course! for sure yun!" sagot naman ni Ivan
nag apir sila Ivan at Patrick
"heh!" pikon na sagot ni Devon
"fine fine, di na namin kayo aasarin" sabi ni Patrick na nakangiti padin
"talaga lang ha?" makahulugang sabi ni Devon
tumawa naman si Patrick
___________________________________________________________________________

napatingin si Devon sa relo nya
"hala! hapon na?!" bigla nyang nasabi
"why?" tanong ni James na nasa harap nya
"may pupuntahan nga pala ako" sabi ni Devon na agad inayos ang mga gamit
"do you need someone to accompany you?" tanong ni James
napatigil naman si Devon sa pag-aayos ng gamit at napatingin kay James
"no, I can manage" sagot nyang nakangiti at itinuloy ang pag aayos ng gamit
"sure?" tanong muli ni James
"ui Devs! nag pi-prisinta na oh! isama mo na!" sabi ni Fretzie habang pinapanuod ang dalawa
tumingin naman si Devon kila Fretzie, nakitingin silang lahat sa kanila ni James
"e baka mapagod lang sya, tsaka madami akong pupuntahan" pangongontra naman ni Devon
"ayaw mo nun? may kasama ka?" singit naman ni Bret sa usapan
"yeah, he'll be a help too, right baby James?" dugtong pa ni Jenny
tumingin naman si Devon kay James
"sigurado kang sasama ka?" tanong nya sa binata
"yeah" sagot naman ni James at ngumiti
"cge na nga, basta ikaw magbabayad ng pamasahe mo ha?" alanganin na sabi ni Devon
tumawa naman bigla si Ryan
"Devs! what are you talking about? si James is gonna pay? why? you think you'll ride a jeep or something?" tanong ni Ryan
"ha? baket? mag cocommute kme! bat hindi sya magbabayad? wala akong pera noh!" sagot naman ni Devon na walang kaalam alam
sumenyas naman si James sa mga kaibigan na wag nang magsalita at inaya na si Devon na umalis
nag paalam na sila sa mga kaibigan at nag lakad
___________________________________________________________________________

"James! where are you going? papunta sa parking lot yan eh, dito ung palabas oh" sabi ni Devon sabay turo sa kabilang dereksyon
"we'll go that way later, we just have to make a stop over at the parking lot" sagot ni James
naguluhan naman si Devon at sumunod na lang, pagdating sa parking lot at tumigil si James sa tapat ng isang kotse
nakatingin lang si Devon sa kanya
"why are you standing there? come here" tawag ni James sa dalaga
"ano bang ginagawa natin dito?" nagtataka pading tanong ni Devon
binuksan ni James ang pinto ng passenger seat
"get in" pagpapapasok sa dalaga
"ha?! sayo to?!" gulat na tanong ni Devon
"yeah" simpleng sagot ni James at pinapasok na si Devon sa loob
pagkasara ng pinto sa tabi ni Devon ay umikot si James papunta sa driver's seat
"where are we going?" tanong ni James pagka start ng kotse
hindi padin makapaniwala si Devon, nahiya sya sa sinabi nya kanina

"ha? ano, sa grocery, tsaka sa flower shop" sagot ni Devon
"flower shop? why?" tanong ni James at pinaandar na ang sasakyan
"gusto ko kasing ipaghanda si papa ng dinner ngaung gabi, bibili lng ako ng bulaklak para pang center table" sagot ni Devon
"ah, wow, special dinner?" sabi ni James
"oo, kararating lng kasi ni papa kahapon galing ibang bansa" sagot ni Devon na nakangiti
"oh, I see, so san mo gusto maunang pumunta? grocery or flower shop?" tanong nya kay Devon
"wow, ang galing mo palang mag tagalog?" manghang tanong ni Devon, dahil ngayon nya lng narinig mag tagalog si James
"just a little, I'm still learning" sagot naman ni James
"ah, pero ang galing mo na" sabi pa ni Devon
"thanks, so, where? grocery or flower shop?" muling tanong ni James
"flower shop na lang, baka lumansa dito sa kotse mo pag iinuna nating mag grocery" sagot ni Devon
"okay" sabi ni James
___________________________________________________________________________

saglit pa ay dumating na sila sa isang flower shop
"good afternoon ma'am, sir" bati ng isang babaeng nagbabantay ng flower shop
"good afternoon din, a miss, hindi ko kasi alam kung anong magandang pang center table, pwede mo ba akong tulungan?" tanong ni Devon habang tumitingin ng mga bulaklak
"sige po ma'am, ano po bang okasyon?" tanong ng babae
"pang dinner lang" sagot ni Devon
napatingin naman ang babae kay James na tumitingin din ng bulaklak
"ma'am, eto pong carnation maganda, tapos bibigyan ko na lang po kayo ng fern at daisy pang design" sagot ng babae at ngumiti
"salamat" sabi ni Devon
sa counter ay napansin ni Devon na wala na si James sa flower shop, pag tingin nya sa kotse nito ay nanduon na si James na naghihintay sa kanya
"ma'am, ang swerte nyo naman po sa boyfriend nyo" biglang sabi ng babae sa counter
"ha? ung lalakeng kasama ko? hindi ko po boyfriend un" sagot ni Devon na nahihiya
"ganun po ba ma'am? sabi nyo po eh" nakakalokong sagot ng babae kay Devon
napakunot noo naman si Devon sa sinabi ng babae, "anu kaya ibig sabihin neto?" tanong ni Devon sa sarili
"eto na po ma'am, thank you po, come again!" inabot ng babae ang binalot na mga bulaklak

paglapit ni Devon sa kotse ni James ay kita na nyang nakangiti ito
binuksan ni Devon ang pinto ng back seat at inilapag ang mga bulaklak duon
muling napatingin si Devon sa dalawang babae sa loob ng flower shop
ngumiti ang dalawa at kumaway, ngumiti din si Devon at sumenyas ng pamamaalam
pagbukas ni Devon ng pinto ay nagulat sya, dahil sa nakitang isang piraso ng blue tulips sa upuan nya
napatingin si Devon kay James, lumingon din si Devon sa loob ng flower shop
nakangiti lng naman ang dalawang babae sa loob
samantalang tahimik lng naman si James at hinihintay syang pumasok
kinuha ni Devon ang bulaklak at sumakay
napangiti sya, "thank you" sabi nya kay James
"welcome" ngumiti si James, inayos nya ang salamin at pinaandar na ang sasakyan
___________________________________________________________________________

pagkalipas ng 20mins. ay nasa grocery na sila
"sasama ka sa loob?" tanong ni Devon
"do you want me to?" patanong na sagot ni James
"anu kaya un, ikaw bahala" sagot naman ni Devon
"I'll just wait for you, people are looking at us when we're together" sagot ni James
"oo nga eh, sige mabilis lang ako" sabi ni Devon at lumabas na ng kotse

saglit nga lang si Devon, makalipas lang ang halos 20mins ay nakita na sya ni James na nagbabayad
bumaba naman si James ng kotse para tulungan si Devon sa mga bitbit nito
bago pa mahawakan ni Devon ang plastik ay may bigalng pumulot ng mga ito
napatingin si Devon sa kumuha
"James? akala ko sa kotse ka lang?" gulat nyang tanong na may kaba dahil sa pagka gulat
"I can't let you lift such a heavy bag" sagot naman ni James at ngumiti, nauna na syang pumunta sa kotse
habang si Devon ay hinihintay pa ang sukli
"sweet naman ng boyfriend mo ma'am" sabi ng cashier
"hala! hindi ko po sya boyfriend" namumulang sabi ni Devon
ngumiti lng naman ang cashier at sumunod na si Devon sa kotse

"thank you ha, ikaw naman, pinapakaba mo ako, akala ko may magnanakaw na ng binili ko" sabi ni Devon sa binata
napangiti naman si James sa sinabi ni Devon
mejo dumidilim na, at halos 10minuto pa ang layo ng bahay nila Devon sa pinuntahan nilang grocery
binuksan ni James ang radio pag-upo nya
___________________________________________________________________________

Passenger Seat by Stephen Speaks

♫♫ I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her Hair Blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

That I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Oh and I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Oh and I know this love grow

... ♫♫
___________________________________________________________________________

parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan nilang dalawa ng marinig ang kanta
tahimik lang sila habang pauwi sa bahay nila Devon
tinuturo ni Devon ang daan papunta sa kanila, dahil ito pa lang ang unang beses na makakapunta si James duon
dumating sila sa bahay nila Devon
inaya ni Devon si James sa loob

"ma? andito na po ako" sabi ni Devon pag pasok ng bahay
"andito ako sa taas nak" sagot naman ng mama nya
"ma, may kasama po ako" sabi muli ni Devon
sumilip ang ina nya mula sa hagdan, nakitang lalake ang kasama ng anak
"ay, may kasama ka pla, hindi mo sinabi agad, sino sya?" bumaba ang mama ni Devon at tinignan si James
"James po" pakilala ni James sa sarili at nagmano sa mama ni Devon
"ah, ikaw pala si James" nakangiting sabi ng mama ni Devon
"ma, sila papa po?" tanong ni Devon
"umalis. kasama sila ate mo, mamaya pa ata sila dadating" sagot nito sa anak
"sakto! magluluto ako ng sinigang!" sabi ni Devon at inilagay sa kusina ang mga dala
"James, upo ka muna jan, nuod ka muna, dito ka na kumain" sabi ni Devon habang inilalabas ang mga ipinamili
"oo nga, mukang inabala ka pa ni Devon, dito ka na maghapunan ha?" dugtong ng nanay ni Devon
"ah, sige po, favorite ko din po kasi ung sinigang" sabi ni James at ngumiti
narinig naman ni Devon ang sabi ng binata at napangiti
"buti na lang specialty ko to!" sa isip isip ni Devon

maya maya pa ay dumating na ang papa ni Devon at mga kapatid
"hala!" bigalng sabi ni Dhemy ng may makitang lalake sa sofa
bigla namang tumayo si James at bumati sa mga dumating
"good evening po, ako po si James" pakilala nya sa papa ni Devon at mga ate
"magandang gabi din" sagot ng papa nila
bigla ding lumabas si Devon galing sa kusina
"papa si James po, sinamahan po kasi ako, tas hinatid dito, kaya sabi ko po dito na sya mag hapunan" paliwanag ng dalaga
"ah, sige, tapos ka na bang magluto?" tanong ng papa nya
"malapit na po pa" sagot naman ng dalaga
nakatingin ang mga kapatid ni Devon kay James