habang pauwi si Devon ay tinawagan sya ng mama nya
"nak? pwede ka bang dumaan sa grocery? may ipapabili lng sana akong mga ingredients" pakiusap ng nanay ni Devon
"cge po ma, i-text nyo nlng po" sagot naman ni Devon
___________________________________________________________________________
makalipas ang 45mins. ay natapos na din si Devon sa pamimili
"mukang masarap ulam namen ngaung gabi ah?, favorite to ni papa"
bulong ni Devon sa sarili habang tinitignan ang mga dalang plastik, naalala nya ang ama na nasa ibang bansa
sumakay si Devon ng tricycle pauwi sa kanila
___________________________________________________________________________
pagdating sa bahay ay halos mabitawan ni Devon ang dala-dala
"papa!!" at ibinaba ang mga dala, sabay yakap sa ama
"ma?" tumingin si Devon sa mama nya at naluluha ang mga mata
"pa, kelan pa po kayo dumating? kamusta na po kayo? namiss ko po kayo pa!" walang tigil na sabi ni Devon
"kanina lang, nasurprise ba kita?" nakangiting sagot nito habang nakayakap sa anak
"syempre naman po! akala ko next month pa po kayo uuwi, bat po napaaga?" tanong ni Devon at bumitiw na sa ama para makausap
"pinayagan kasi akong mag leave ng kumpanya, tutal Ramadan naman daw" paliwanag nito sa anak
"wow! one month ka dito pa?! yehey!" tuwang sabi ni Devon na parang bata
"para akong nananaginip! ang saya ng lingong to para saken" sa isip isip ni Devon
___________________________________________________________________________
nagluto si Devon at ang mama nya ng ulam, nang matapos ay nakatulog si Devon
"Devs?" tawag ng isang babae kay Devon
"bunsoy, gising na, kakain na tayo" muling gising nito kay Devon
naalimpungatan si Devon at nagising na din
"ate Dhemy? si papa?" agad nyang tanong pagka gising
"papa? nasa ibang bansa pa, next month pa sya uuwi, anu ka ba?" sagot ng ate nya
"ha?!! e nakita ko si papa kanina, niyakap pa nga nya ako eh!" gulat na sabi ni Devon
"baka nanaginip ka lang, nauntog ka daw sa pinto sabi ni mama pag dating mo eh" sagot naman ng kapatid
"tara na nga, kain na tayo, baka gutom lng yan" aya ng kapatid
"e nakita ko nga si papa! sabi nya pinayagan na daw syang magleave ng isang bwan, ate!" hinabol ni Devon ang kapatid sa hapag kainan, at nakita nya duon ang papa nila
"papa! si ate oh! sabi wala ka pa daw!" naiiyak na sabi ni Devon sa ama
tumawa naman ng malakas ang mga kapatid nya
"andali mo naman kasi mauto! nauna ka pa ngang nakakita kay papa kesa samen, tapos itatanong mo
kung asan si papa, anu akala mo kanina nananaginip ka lang?" tumatawang sabi ni Dhemy
"e para naman kasing panaginip nung nakita ko si papa!" sagot naman ni Devon
natawa din ang papa nila, at pinaupo na si Devon sa para makakain na silang lahat
___________________________________________________________________________
pagkatapos kumain ay nagkwentuhan sila
makalipas ang isang oras ay nagpaalam na si Devon sa mga kapamilya dahil gagawa na sya ng schoolwork
"sus! mag aaral ka ba talaga? baka mamaya pinagpapantasyahan mo lng ung picture ng crush mong nasa ilalim ng unan mo!" pang aasar ng kapatid ni Devon na si Dimple
"excuse me, wala kayang picture sa ilalim ng unan ko! bat ko naman ilalagay dun? kung pwede naman sa frame, para lagi kong makita?" tumatawang sagot ni Devon habang paakyat sa kwarto
"papa oh! puntahan mo sa kwarto nya! meron daw picture dun!" natatawang sabi ni Dhemy
tumatawa lng din ang papa nila at sinabing "hayaan nyo na, crush lng naman, wag lang boyfriend! bawala pa! Devon!" malakas na sabi ng papa nila habang nakangiti ngunit seryoso sa huling sinabi
humiga si Devon sa kama at napangiti
"crush pa lang naman, tsaka asa pa akong magustuhan ako ni James" sabi ni Devon habang nakatingin sa kisame
"James pala ha?" biglang sabi ng papa nila, hindi naman magkandaugaga si Devon nang marinig ang papa nya
"pa?! ano po ginagawa nyo dito?" kabadong tanong ni Devon
"wala, titignan ko lng kung may picture ba talaga dito, muka namang wala, baka nasa ilalim nga ng unan mo?" pagbibiro nito
"papa naman eh, wala po. oh! tignan nyo pa" itinaas ni Devon ang unan nya
"wala nga, gwapo ba talaga un? mas pogi saken?" nakangiting tanong ng papa nya
"si papa talaga, ikaw lang pinaka poging lalake para saken pa!" lambing ni Devon sa ama
"talaga? baka naman pag may nakita kang pogi makalimutan mo na ako, wag ka munang magdalaga anak" sabi ng papa ni Devon
"papa naman, pano ko naman po pipigilan ang pagdadalaga ko?" nakangiting sagot ni Devon
"ibig kong sabihin, wag mong madaliin, magpakasaya ka muna habang bata ka pa, maikli man ang buhay, mas maganda pa din na hindi mo minamadali ang mga bagay bagay, mas maganda ung 'pinagmamasdan at iniintindi' kesa sa 'dinaanan lng ng tingin' naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" mahabang sabi ng ama ni Devon
"opo papa" sagot naman nya
"o sya sige, gawin mo na dapat mong gawin at magpapahinga na din ako" paalam ng papa nya
"cge po pa, good night po, love you papa!" pahabol ni Devon habang palabas ang ama nya sa kwarto nya
___________________________________________________________________________
habang nagbabasa si Devon ay biglang pumasok ang dalawang kapatid nya
"Devs!" tawag ng ate nyang si Dimple
"o ate? baket?" tugon nya
umupo sila Dhemy at Dimple sa kama ni Devon na may nanlilisik na tingin
"ate? (nilingon ang mga kapatid) baket?" kinakabahang tanong ni Devon
"nabalitaan ko sa school, nadetention ka daw?!" panimula ng ate nyang si Dimple
"at sabi pa kasali ka daw sa play ni Mrs. Perez?" dugtong ng ate nyang si Dhemy
napatingin si Devon sa dalawa
"pano nyo naman nalaman?" tanong nya sa mga kapatid
"anu ka ba! hindi naman ganun kalaki ang campus para hindi namen malaman" sagot ni Dhemy
"weeh?! malaki kaya ang school! sinu ba nagsabe sa inyo?" pangbubusisi ni Devon
"ung totoo kasi ate!" dugtong pa nya
"si Fretzie nagsabe, pero hayaan mo na, napilit lng kasi namen sya kaya nya nasabi, o anung kalokohan nanaman ang ginawa mo?" tanong ni Dimple
"si Fretz talaga oh, ginaya ko lang naman si Ma'am Perez, inimpersonate." sagot ni Devon
"grabe ka!! hindi ka man lng natakot na baka makita ka nya?! alam mo naman ung prof na un! gala sa campus! ansungit sungit pa! akala mo mangangain ng mga estudyante, naman Devs! pasaway ka talaga, o e anu naman role mo?" tanong ni Dimple
"main character nga eh! nakakainis, para un lng ginawa ko, kakanta pa ko sa harap ng lahat, musical daw kasi ung play ngaun" sagot ni Devon
natawa naman ang dalawa nyang kapatid
"hay naku! goodluck nalang sau, papanuorin ka namen kaya galingan mo ha?" sabi ni Dimple
"oo nga, andun din si papa, kaya wag kang magloloko sa stage" dagdag pa ni Dhemy
"opo mga ate!" sagot ni Devon
"sige na te, alis na kayo, magaaral pa ako" dugtong ni Devon
"sige na nga, alis na kame (inakbayan si Dhemy), baka nabubulabog namen kau ng picture ni James!" natatawang sabi ni Dimple sabay sara ng pinto
binato naman ni Devon ng unan ang mga kapitid ngunit naisara na ang pinto, tumawa na lang si Devon at nagpatuloy na sa pagbabasa
___________________________________________________________________________
bago mag alas onse ay natapos na si Devon sa pagbabasa
naghilamos sya at nagsipilyo, paghiga sa kama ay nakatingin muli sya sa kisame
naalala nya ang biro ng ate nyang si Dimple at napangiti
naalala nya si James
"magkikita nga pla kme sa sabado, anu kaya isusuot ko? ayoko naman ng maarte, hindi ako sanay sa mga ganun, t-shirt nlng tsaka maong, ok na un! teka, san nga pla kme pupunta? haaayy.. bahala na nga kung san mapadpad" sabi ni Devon sa sarili
maya maya pa ay nakatulog na si Devon
___________________________________________________________________________
kinabukasan
habang naglalakad si Devon sa campus ay biglang may humatak sa kamay nya
"ui anu ba?!" pagpupumiglas ni Devon
"where have you been?! we were looking every where for you!" sagot ng isang pamilyar na boses
pag tingin ni Devon sa harap nya ay may tatlong babae, sila Fretzie, Jenny at Ann na hawak ang kamay nya
"bakit ba? anu meron?" tanong ni Devon
"don't you remember? ngaun ang audition for the play!" sagot ni Ann habang kinakaladkad padin si Devon
"ah, o e bat kung maka kaladkad naman kau, e ganto na lang? teka naman! ang bilis nyo!"
pilit na sumasabay si Devon sa mga kaibigan
"Devs, hurry!" sabi ni Jenny
"oo nga Devs! ang bagal mo eh" dagdag pa ni Fretzie
"bakit ba kasi?" pilit na tanong ni Devon na hindi pa nasasagot ng mga kaibigan
"hurry! baby James' next to perform! Devs! dali!" sabi naman ni Jenny
"si James? anong gagawin nya?" tanong ni Devon at napatigil
"hindi namin alam, kaya nga bilisan mo jan! oh?! bat ka pa tumigil?" tanong ni Ann
nang matauhan ay halos tumakbo si Devon at makalimutang may mga kasama sa paglalakad
"dapat pla sinabi na natin na si James na ung mag aaudition, ang bilis e oh! parang walang kasama" sabi ni Fretzie
"oo nga, tara! ayan na oh, malapit na tau sa theater" sabi ni Ann
pag pasok sa teatro ay kakatapos lng ni Bret mag audition
si James na ang susunod
nakita ni James na pumasok si Devon sa teatro kasunod sila Ann, Fretzie at Jenny na halatang hinihingal
lumapit sila Devon sa harap, malapit kay Mrs. Perez
"James, you may start now" senyas ng prof nila
"yes Ma'am" kinakabahan si James, nanunuod si Devon sa kanya
umupo si James, inilapit ang micropono sa kanya, nag umpisa syang tumugtog ng gitara
♫♫ Wise man say only fools rush in
But I can't help falling in love with you ..
------------------------------------------------------------------------------------
saglit pa lang sa pagkanta si James ay bigla syang pinatigil ni Mrs. Perez
"Devon, get on the stage" utos nya kay Devon
"Ma'am? bakit po?" kinakabahang tanong ni Devon
"I need to see kung my chemistry kayo ni James, nagugustuhan ko syang maging leading man, if may makita akong chemistry, then meet your leading man" sabi ni Mrs. Perez
walang nagawa si Devon kundi ang umakyat sa stage, kinakabahan na si Devon, ganun din si James
"give her a mic" utos ng prof nila
"from the start" dugtong nito
nagumpisa na muling tumugtog si James
habang intro pa lang ay tinanong nya si Devon
"do you know the lyrics?" bulong nya sa dalaga
"yeah, I know this" sagot naman ni Devon
"James! start singing" muling sabi ni Mrs. Perez
inayos ni James ang salamin nya at nagumpisang kumanta
------------------------------------------------------------------------------------
♫♫ (James) Wise man say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
(Devon) Shall I stay would it be a sin
If I can't help falling in love with you
(duet)
Like a river flows
Surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
------------------------------------------------------------------------------------
nagkatinginan sila James at Devon, parang naguusap gamit ang mga lyrics ng kanta
hndi nila maalis ang mga mata nila sa isa't isa, wala na silang ibang makita kundi ang isa't isa
nasa sarili nilang mundo ang dalawa, bumibilis ang tibok ng mga puso, animoy naghihiyawan sa mga dibdib nila
napangiti si Devon kay James, hindi din mapigilan ni James ang mapangiti
halos himatayin naman sa kilig ang mga nanonood sa kanila
napapangiti din si Mrs. Perez, animoy teen-ager na kinikilig sa napapanuod
------------------------------------------------------------------------------------
(James) Take my hand take my whole life too
(Devon) For I can't help falling in love with you
(duet)
Like a river flows
Surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
(Devon) Take my hand take my whole life too
(James) For I can't help falling in love with you
(duet) For I can't help falling in love with you ♫♫
natapos na ang kanta, pero hindi padin maalis ng dalwa ang tingin sa isa't isa
nagpalakpakan ng malakas ang mga tao
natauhan ang dalawa
"audition nga pala, nadala ako dun ah" kumakabog ang dibdib ni Devon at inalis ang tingin kay James
"what just happened?" tanong ni James sa sarili habang mabilis padin ang kabog ng dibdib
"perfect! what a chemistry! kayo ba?" nakangiting tanong ng prof nila
"ma'am?" gulat na reaksyon ng dalawa
"kung hindi man, well, you two would make a perfect couple!" puri ni Mrs. Perez
naghiyawan naman ang mga tao sa paligid
Ate more pa. Hehehe
ReplyDeletehahaha...kakakilig
ReplyDeletehuwaah!!1
ReplyDelete