Sunday, October 24, 2010

chapter 5

nakatingin din ang papa nila Devon kay Jameshalos dalawang minuto na ding nakatayo si James
"sige umupo ka na" sabi ng papa ni Devon kay James at umupo din ito sa isang sofa
tahimik lang naman si James habang tinitignan sya ng ama nila Devon
___________________________________________________________________________

sa kusina naman ay malapit nang matapos si Devon

"Devs!!" biglang tawag ng ate nyang si Dimple
nagulat si Devon dahil hindi nya napansing pumasok ang dalawang kapatid
"anu ba te?! ginugulat mo naman ako eh!" sabi ni Devon
"bat andito un?" tanong ni Dimple
"anong un?" tanong ni Devon
"si James!" sagot ng ate nya
"wala, sinamahan nya kasi ako, pagdating dito, sabi ni mama dito na sya kumain, kaya ayan" paliwanag nya sa dalawa
"hmp! sabi mo eh, good luck!" sabi ni Dimple
"bat naman good luck?" takang tanong ni Devon
"ay nako, tignan mo kaya ung bisita mo dun, parang iniistema na ni papa" sabi naman ni Dhemy
"ha?" sumilip si Devon sa salas

"nakangiti naman si papa ah?" sabi ni Devon habang nagtatago sa likod ng pader
"ano?!" gulat na sabi ng dalawa
nakitingin din sila kung anong nangyayari sa salas
"oo nga! nakangiti si papa!" sabi ni Dhemy
"pasado!" sabi naman ni Dimple
"anu bang sinasabi nyo?" tanong ni Devon at umalis sa likod ng pader
"di ba umaakyat ng ligaw yan?" tanong ni Dimple
"ano?! ligaw?! parang kakain lang dito, ligaw na?" gulat na sagot ni Devon
"hindi ba? pero okay sya kay papa ah" sabi ni Dimple habang nakatingin padin kila James
"grabe naman kau te, di na ba ko pwedeng magsama ng kaibigan dito?" tanong ni Devon habang pinapatay ang kalan
umalis sa pagkakatingin si Dimple kila James at tumingin kay Devon na naghahanda na
"pwede naman, kaso ung crush mo kasi yan eh, malay ba namen kung gusto ka din nya? tas nanliligaw sayo?" sagot ng ate nya
"shhh! anu ba yan, hindi noh! kaibigan lang tingin nyan saken, asa pa ako" sagot naman ni Devon
lumabas si Devon ng kusina at inihain na sa hapagkainan ang niluto
habang inaayos nya ang mesa na pagkakainan nila ay napapasulyap sya kila James
"mukang okay nga sya kay papa ah?" sa isip isip ni Devon
___________________________________________________________________________

"pa! ma! ate! kain na po, James lika na din" tawag ni Devon
tumayo na ang papa nila Devon at inaya na din si James na kumain
nakapagbihis na din ang mga ate ni Devon at bumaba na ang mama nila
"wow, sinigang!" sabi ng papa nila habang paupo sa kabisera
"o James, jan ka na umupo sa tabi ni Devon" sabi ng papa nila
napatingin naman sila Devon at mga ate nya kay James
"sige po" sagot ng binata at umupo sa tabi ni Devon
"kumakain ka ba talaga ng sinigang?" bulong ni Devon kay James
"yeah, this is my favorite" sagot ni James at ngumiti
ngumiti din naman si Devon at nagumpisa na silang kumain
___________________________________________________________________________

pagkatapos nilang kumain lahat ay nagkwentuhan sila sandali
"antakaw mo naman" sabi ni Devon kay James na halos maka-tatlong pingan kanina habang kumakain
"I told you, it's my favorite" sagot naman ni James
napatingin si James sa relo nya
"Devon, I need to go now" bulong nya sa dalaga
"ha?" napatingin naman si Devon sa wall clock nila
"8:30 na pala?" nasabi nya
napatingin din naman ang papa ni Devon sa orasan
"uuwi ka na James?" tanong nya sa binata
"opo, baka hinahanap na po ako samen" sagot ni James
"ah, ganun ba? o sige, sabihin mo na lang na dito ka nang-galing" sabi ng papa ni Devon
"sige po tito" sagot naman ni James
"tito? wow!" bigalng sabi ni Dhemy at ngumiti kay Devon
"baket? kaibigan sya ng kapatid nyo, ano naman itatawag nya saken? kuya?" sagot naman ng papa nila na natatawa
"ah.. okay, sabi mo pa eh" sagot naman ni Dhemy na nakangiti padin
sinipa naman ni Devon si Dhemy sa ilalim ng mesa
napakunot noo na lang si Dhemy at tumahimik na
"sige na Devon, ihatid mo na si James, at baka gabihin pa sya lalo" utos ng papa ni Devon
"sige po pa" sagot ni Devon
"tito, tita, alis na po ako, salamat po sa pagpapatuloy saken at sa pagkain" paalam ni James sa mga magulang ni Devon

hinatid ni Devon si James hanggang sa kotse ni James
"bye, thank you for the feast" sabi ni James sa dalaga
"welcome, ingat sa pag ddrive, good night" sabi naman ni Devon
"okay, sweet dreams" sabay ngiting sabi ni James
sumakay na si James at pinaandar na ang kotse
pag andar ay tinignan nya muli si Devon sa side mirror
"bye, see you in dream land" bulong ni James hanggang sa hindi na nya makita si Devon sa salamin
"bye, see you in my dreams" bulong naman ni Devon hanggang sa makalayo si James
___________________________________________________________________________

pumasok na si Devon sa loob ng bahay nila
"ma, akyat na po ako" paalam nya sa ina
"pa? punta na po ako sa kwarto ko" paalam nya naman sa ama na nasa kwarto at nagbabasa
"sige, magpahinga ka na" sagot naman nito

pagkatapos maghilamos, magsipilyo at magpalit ng pantulog ay nahiga na si Devon
nakapikit na si Devon nang bigla nyang maalala ang bulaklak na bigay ni James
kinuha nya ito at inilagay sa isang vase na may tubig
tinitignan ito ni Devon habang nakahiga sa kama
napangiti sya at ipinikit na ang mga mata
wala pa halos limang minuto ay nakuha na nya ang tulog nya
___________________________________________________________________________

dumating naman si James sa bahay nila
"dad? I'm home" sabi nya nang makapasok sa bahay
"hey! how are you? where have you been?" tanong ng ama nya
"I was at a friend's house" sagot nito at umupo sa sofa
"Bret's?" tanong ng daddy nya
"no, Devon's" sagot ni James na isinandal ang ulo sa sofa at pumikit
"Devon? a new friend of yours?" tanong ng daddy nya at umupo sa kabilang sofa
dumilat si James at tumingin sa ama
"new friend, old classmate" sagot naman ni James
"so, you two were just classmates before, but now you're friends?" tanong ng ama nya
"yeah, something like that" sagot naman nya at tumayo
"I'll go to bed now, dad" sabi pa nya
"have you eaten already? I could ask the maid to cook for you" tanong ng daddy nya
"no need, Devon cooked my favorite, so I'm full" sagot nyang nakangiti
"okay, good night then" sagot naman ng daddy nya
"good night" at pumunta na si James sa kwarto nya

nadaanan nya muli ang kwarto ni April
"ate, good night" sabi nya habang nakasilip sa pinto ng kwarto ni April
"hey, good night! where have you been?" tanong ni April sa kapatid
"at Devon's house" sagot naman ni James habang isinasara ang pinto
tumayo si April galing sa kama at hinabol si James
"tell me about it tomorrow okay?!" pahabol nya sa kapatid na malapit nang maisara ang pinto ng kwarto
"sure" sagot naman ni James

pagkahilamos, sipilyo at bihis ng damit at humiga na din si James
nakatingin sya sa kisame
"I met her family today, and her dad likes me" sabi ni James sa sarili
napangiti say at naalala ang ibinigay nyang bulaklak kay Devon
"I hope she likes it" sabi pa nya
maya maya pa ay nakatulog na din si James
___________________________________________________________________________

kinabukasan

pag gising ni Devon ay ang bulaklak agad na bigay ni James ang nakita nya
"good morning" bati nya habang nakatingin sa bulaklak
bumangon na si Devon
bago mag alas nwebe ay lumabas na sya ng bahay para pumasok

biglang may bumusina kay Devon
nakasimangot naman syang humarap sa kotse ng kung sino mang loko loko ang bumusina sa kanya
natangal ang simangot ni Devon ng makitang si James ang nasa loob
lumapit si Devon sa kotse, ibinaba naman ni James ang bintana
"need a ride?" tanong nyang nakangiti sabay ayos ng salamin
"anong ginagawa mo dito?" tanong ni Devon habang nakangiti
"it's Saturday, remember?" sagot ni James
biglang naalala ni Devon na may usapan sila ni James nung isang araw
"oo nga pala, e diba usapan natin pagkatapos pa ng klase? bat ang aga mo?" takang tanong nya sa binata
"I know where you live now, so I figure, I can pick you up to start the day" sagot ni James at ngumiti
nakangiti lng naman si Devon pero hindi sya kumikibo
"why are you still standing there? get in, we'll be late if you don't get in" aya ni James sa dalaga
parang nawala sa sarili si Devon at nang matauhan ay pumasok na din sa loob
pinaandar na ni James ang sasakyan
___________________________________________________________________________

halos 20 minuto lng at nasa campus na sila
pagbaba nilang dalawa ay saktong kadarating lng din nila Ann at Ivan sa parking lot at nakita silang ng mga ito
hindi naman agad napansin ng dalawa sila Ivan at Ann hanggang magsalita si Ann
"wow, kinikilig na ako ha? di na friends yan" pagbibiro ni Ann
nagulat naman sila Devon at James ng marinig si Ann
lumapit sila Ann at Ivan sa dalawa, inakbayan ni Ivan si James at pinaunang maglakad sila Devon
tinitignan lng ni James si Devon, nang bigalng nagsalita si Ivan
"so, are you two going out now?" tanong nya sa pinsan
"what?! no, I just happen to pick her up" paliwanag ni James
"pick her up? where?" pangbubusisi ni Ivan
"at their house" sagot ni James
"so, you already know where their house is, huh?" pangbubusisi padin ni Ivan
"yeah, I droped her there yesterday" sagot ni James at inayos ang salamin
"what else did you do there?" tanong pa ni Ivan
"did I do something wrong? it's like you're interogating me" sagot ni James na nakangiti
"I just want to know what happened, is that bad?" sagot naman ni Ivan at ngumiti

dumating sila sa tapat ng classroom ni Devon
bumeso si Devon kay Ann bago pumunta sa klase
bago naman sya pumasok ..
"James" tawag ni Devon
kumawala naman si James sa akbay ni Ivan at lumapit kay Devon
"yeah?" nakangiti nyang tanong
"bye, mamaya ah?" sagot ni Devon
"yeah, I'll wait for you" umalis na si James at ngumiti
naghihintay naman sa kanya si Ivan
"what was that about?" tanong ni Ivan na nakangiti
"that, what?" sagot ni James na parang walang alam
"yeah, whatever" sabi ni Ivan na natatawa
"James, ung kaibigan ko ha?" sabi naman ni Ann
"huh? why?" takang tanong ni James
"you know what I mean" sagot ni Ann
mejo naintindihan na ni James ang ibig sabihin ni Ann

pagtapat sa room ni James ay nagpaalam na sya kila Ann at Ivan
"see you guys on Monday" sabi nya sa dalawa
"Monday? why? hindi ka ba pupunta kila Bret mamaya?" tanong ni Ann
"no" simpleng sagot ni James
"why?" tanong naman ni Ivan
"uhm, I.. uhh, have someplace to go" magulong sagot ni James
"where?" pangungulit padin ni Ivan
"Dude, I need to go, someone's calling me" palusot ni James
"hey! no one's calling you!" pahabol naman ni Ivan, pero nakapasok na si James sa loob
"hayaan mo na, we'll know later kung magkasama sila ni Devon" ngiting sabi ni Ann kay Ivan
___________________________________________________________________________

half day lng ang mga klase pag sabado, kaya tanghali ay labasan na nila Devon at James
pagkapalabas na pagkapalabas ng prof nila James ay pumunta agad sya sa klase nila Devon
pagdating nya don ay kakatapos lng din nila Devon
naghihintay syang lumabas si Devon
nang makita nyang palabas na ang dalaga ay lumapit na sya sa pintuan
pag bungad ni Devon sa pinto ay agad syang tinawag ni James
"Devon" tawag ng binata
"uy, kanina ka pa?" tanong ni Devon
"no, 2mins. maybe" sagot ni James sa dalaga
"ready?" tanong ni James
"where are we going?" tanong ni Devon
"I know a place" nakangiting sabi ni James
___________________________________________________________________________

2 comments: