"a lot have changed James" kumawala si Devon
at sumakay ng taxi
"a lot have changed, but one thing remains the same.. you James.. in my heart" iyak ni Devon sa sarili
tama ang hinala ni James nuon, na umalis ng bansa si Devon
nag punta si Devon sa Hongkong para mag isip isip
isang tawag ang natangap nya kay Dimple ng panahong iyon
nasabi nga ni Dimple na ikakasal na sya
umuwi si Devon ng bansa na sya ding araw na ipinadala nya ang mga imbitasyon sa mga kaibigan
"niloko mo ko tungkol kay Tricia? ikaw naman ngayon, James" pilyang bulong ni Devon sa sarili
"ate, pwede ko bang lagyan ng note to?" tanong ni Devon sa ate nya
"sige, ikaw bahala.. sa mga kaibigan mo yan diba?" sagot ni Dimple
"hay naku.. yang mga ngiting yan.. naku! anong kalokohan nanaman yan bunso?" tanong ni Dhemy
"basta ate, wag kang mag-alala" sagot naman ni Devon
walang may ibang alam sa ginawa ni Devon
maliban kila Dhemy, Dimple at Patrick
nanahimik lang si Patrick, gusto nya kasing makita kung anong kalokohan naman ang gagawin ni Devon ngayon
wala syang ipinagbago sa dating pasaway na Devon
__________________________________________________________________________
1 and a half year later
"I'm so nervous!" sabi ni James
"what if something went wrong?" dagdag pa nya
"like what?" tanong ni April na inaayos ang kurbata nya
"the ring wouldn't fit? or.. her veil caught on the stands or.. or.. the priest won't come in time?!"
*PAK!* sampal ni Thea sa kuya nya
"kuya, wag ka ngang paranoid!" sabi ni Thea na natutuliling sa mga sinasabi ni James
"thanks" sabi ni James nang makalma sya
ngumiti naman si Thea at April
"if you need some again, you can ask" sabi ni April
umiling naman si James at ngumiti
"where's dad?" tanong nya sa dalawa
"taking care of Aethan, don't worry, he'll be at your side later" sagot ni April
"ate? ganito ba talaga pag ikinakasal? kinakabahan????" tanong ni Devon
"oo naman!" sagot ng dalawa nyang kapatid
umiiyak naman ang mama nila sa gilid ng kama
"o mama, wala pa nga po tayo sa simbahan umiiyak na kayo? sayang naman po make-up nyo?.." sabi ni Dhemy
"heh! wala akong paki kung malusaw man ang make-up ko!" sabi nito sabay hagulgul
"ano un?" tanong ni Dimple na may naririnig na isa pang ungol
napakunot noo silang tatlo
sumilip si Dhemy si labas ng kwarto
"papa!" gulat nito sa ama nila
"pa, nag eemo ka na din? oh, yan, duet kayo ni mama" sabi ni Dimple at itinabi ang papa nila sa mama nila
nagyakap ang mag asawa
"ikakasal na bunso ko, parang kelan lang, pinapalitan ko pa ng diaper yan!" iyak ng mama nila
"dati, humihingi pa sakin yan ng piso pambili ng kendi, ngayon may sarili nang pera para magpakasal!" iyak naman ng papa nila
lumapit si Devon sa mga magulang nya
"ma, pa, ako padin naman po ung bunso nyo eh.. magiiba po apelido pero di naman po ako mawawala, wag na po kayong umiyak" pag alo ni Devon sa mga magulang
"I love you mama, I love you papa" dagdag ni Devon at humalik sa mga pisngi ng mga magulang nya
lalo naman nagiyakan ang mag-asawa
__________________________________________________________________________
sa Angel's Park ..
madilim na ng maguumpisa ang kasal
sakto nagsindihan ang mga ilaw na nakasabit at nakapaikot sa mga puno
si Bret ang best man
si Fretzie naman ang maid of honor
sila Ann, Jenny at Tricia ay mga abay
kasama sila Ivan, Ryan, at Patrick
naghihintay na si James sa harap, halatang kabado, hindi sya mapakali
napangiti sya nang makitang naglalakad na si Devon papunta sa kanya
"my life" bulong nya sa sarili nang makita ang babaeng papakasalan nya
hindi maalis ang ngiti sa labi ni James
pagkatapos ng ilang taong pangungulila sa isa't isa at pag hihintay, sawakas ..
dumating na din ang araw na magbubukas ng habang buhay nilang pagsasama ..
do you Robert James Reyes take Devon May Soriano as your lawfully wedded wife
to have and to hold
to cherish and to love
in sickness and in health
for richer or for poorer
till death do you part?
"I do" sagot ni James na nakatingin sa mga mata ni Devon
do you Devon May Soriano take Robert James Reyes as your lawfully wedded husband
to have and to hold
to cherish and to love
in sickness and in health
for richer or for poorer
till death do you part?
"I d--"
"Wait!!" sigaw ng isang babae
nagulat silang lahat
nakilala naman nila James at Devon ang babaeng dumating
sumenyas ito na ituloy na ang kasal
"I do" sagot ni Devon na matamis na ngiti sa labi
By the power vested in me, I pronounce you man and wife
you may now kiss the bride
pagkasabi ng pari nito ay biglang umulan
nag ngitian sila James at Devon
alam nilang mangyayari ito, dahil tuwing pumupunta sila sa naturang park ay umuulan
nagtakbuhan sa sanctuarium ang mga bisita
samantalang sila James at Devon nasa ilalim ng ulan
hindi nila ito alintana
"a kiss that sealed two people together for the rest of their lives"
nagpalakpakan ang mga tao na nasa loob ng sanctuarium
nagyakap sila Devon at James
naglaro pa sandali ang dalawa sa ulan
at pagkatapos ay nagbihis na para makatuloy sa reception
__________________________________________________________________________
"Mrs. Perez!" bati ng bagong kasal
"buti po nakarating kayo Ma'am" bati nila Devon
"naman! papalampasin ko ba naman to?" sagot ni Mrs. Perez na nakangiti
"play ko ata ang dahilan kung bakit kayo nagka developan!" dagdag nito at tumawa
Reception ..
sa loob ng Butterfly sanctuarium
hindi naman sila binigo ng mga paru-paro, nagliliparan ang mga ito ..
"naalala ko ung kasal nila ate Dimple" umpisa ni Devon
"alam mo may pagka tangeks ka nun" sabi ni Devon na tinutukso si James
"huh? why?" takang tanong ni James
"hindi ka kasi nagbabasa ng invitation" sagot ni Devon
kung binasa sana ni James ang laman ng invitation ay nalaman nya sanang hindi si Devon ang ikakasal, kundi si Dimple
"hindi lang naman ako ang nag iisang Soriano nun noh!" dagdag pa ni Devon
"but, if I read it, this wouldn't happen" depensa naman ni James
"wouh! palusot kapa mr. Robert James Reyes!" pangaasar padin ni Devon
binigyan ni James si Devon ng isang mabilis na halik sa labi
natahimik si Devon at ngumiti
"you're MY Mrs. Devon May Soriano-Reyes now, you're mine till death do us part!" sabi ni James na nakangiti
"Je t'amie James" ("I Love You James") biglang sabi ni Devon
"Moi aussie Devon" ("I love you too Devon") sagot naman ni James
biglang naalala ni James ang usapan nila ni Devon pagkatapos ng play noon
nakangiti lang si Devon, naghihintay ng reaction ni James
"you knew?!" gulat na tanong ni James
tango lang ang isinagot ni Devon
"why did you ask me what it means? if you already knew?" tanong ni James
"wala, gusto ko lang malaman kung sasabihin mo ba talaga, e hindi, niloko mo pa ako!" kunyaring pagtatampo ni Devon
nilalambing naman sya ni James para batiin na sya
biglang gumanti si Devon ng isang mabilis na halik kay James
nag ngitian ang dalawa
"my happily ever after" bulong ni James na narinig ni Devon
"dapat, And they lived together forever! sinisolo mo eh" nakangiting sabi ni Devon at muling hinalikan ang asawang si James
__________________________________________________________________________
===END===
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
writer's comment
write you're comment below please
salamat sa mga nagbasa at nagustuhan ang gawa ko
salamat sa mga naghintay ng ending ng Fanfic na 'to
at sana nag enjoy kayo
God bless us all! :)
Thank you
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++