Friday, November 19, 2010

chapter 24 (last chapter part 3 of 6)

isang lingo na nang mawala si Devon
hanap dito, hanap don
text dito, tawag don
hindi nila alam kung saan hahanapin si Devon

hanggang isang tanghali nakarecieve si Fretzie ng text

FW:
guys, don't go out looking for me, babalik din ako, magpapalamig lang, naiintindihan nyo naman siguro ako diba?
and when I'm back, I'm sure, I can face you, eye to eye.

finorward ni Fretzie ang text ni Devon sa buong barkada
alam nilang para kay James ang mga huling linya ng text ni Devon
hindi na sila naghanap, may tiwala sila kay Devon na babalik ito
siguro nga ay nabigla lang sya nang magkita sila ni James
__________________________________________________________________________


dalawang lingo na
hindi padin mapakali si James
"is this how long she want's me to wait?" inis na sabi ni James habang kasama ang mga kaibigang lalaki
"pare, e kung ikukumpara mo naman sa 7years na paghihintay nya sayo, wala lang to" sagot ni Patrick
napaisip si James, tama si Patrick, mas matagal naghintay si Devon
"but what if, she comes back in the arms of another man?" napaparanoid na si James
"dude, if she would do that, she might have done it years ago, I repeat, years ago!" sabi ni Ryan
hindi talaga mapakali si James
may punto si Ryan, pero hindi naman nila alam ang lahat ng nangyari kay Devon sa loob ng pitong taon
__________________________________________________________________________


isa't kalahating bwan na ang lumipas ng umalis si Devon
bumalik na din ng Australia si Tricia

biglang may nagdatingan na wedding invitation sa mga bahay ng mga kaibigan ni Devon
pati kila James meron
bubuksan sana nila pero may note na nasa harap

Note:
wala munang magbubukas ng invitation, I want you all to open it the day before the wedding
may tiwala ako sa inyong lahat na hindi nyo bubuksan ito before the said date. thank you.

-Devon

nagulat silang lahat sa nabasa
hindi nila nababantayan lahat ng galaw ni Devon sa mga nakaraang taon
hindi nila alam kung may nakilala ba ito nung nag aral sya sa Baguio
lahat sila gulong gulo, at gusto na makita ang nasa loob ng invitation

"dela Vega - Soriano Nuptial" inis na basa ni James
"I knew it! she's getting married! so that's what she mean when she said a lot have changed"
nanghina si James, ayaw nyang paniwalaan ang invitation, pero gulong gulo na ang isip nya

__________________________________________________________________________

isang lingo na lang ang layo ng kasal
walang sino man ang nagtangkang pagusapan ang kasal sa mga nagdaang araw
__________________________________________________________________________


nasa mall si James tatlong araw bago ang kasal
napadaan sya sa isang jewelry shop
pumasok sya sa loob, tumingin sya ng mga singsing

may nakita si James na simpleng singsing, pero maganda, walang arte ang singsing, meron lamang itong maliit na bato na syang nagpadagdag ganda dito, agad nyang naisip si Devon
"it's like her, simple, yet beautiful" bulong ni James
"may I help you sir?" tanong ng isang babae
ngumiti lang si James sa babae at patuloy na tumingin
"sir, kilala ko po kayo.." biglang sabi ng babae
"huh?" tumingin si James sa babae
"di nyo na po ako naaalala? ako po ung dating nag ta-trabaho sa flower shop" pag papa-alala ng babae
hindi padin maalala ni James ang babae sa harap nya
"na-aalala nyo pa po ba nung bumili kayo bulaklak para sa girlfriend nyo samin?"
pilit inaalala ni James ang babae
pano ba naman kasi sya makakalimutan nito, ibili ba naman nya si Devon ng boquet na pagka mahal mahal
"ung may dala pa po kayong groceries nun? tsaka nung bumili kayo ni ma'am ng bulaklak samen na magkasama kayo?" dagdag ng babae
"ahh! I remember now" naalala na ni James
"ikakasal na po ba kayo sir? asan po si ma'am?" tanong ng babae na nakangiti
umiling si James
napakunot noo ang babae
"ganun po ba sir? sayang naman"
pilit ngumiti si James, saglit pa ay umalis na sya
__________________________________________________________________________


note: sudden change of parting
dapat po kasi may epilogue pa.. e mukhang mas magandang ending un kaya un na lang, idinagdag ko na lang sa chapter 24.. :)
one of the days remaining na mag popost ako, dalawa ipopost ko ng magkasunod (ung isa morning or noon time, ung isa early evening)
para saktong one month ung date ng fanfic ko.. hehe :)

1 comment:

  1. Feeling ko c devon ang mgapro-propose...hahhaha

    xa lahat nag-ayos lahat sa kasal..LOL...parang ambush wedding bah kung baga..wahhaha...

    joke lng...KAKABITIN PA RIN!

    -Christine-

    ReplyDelete