Sunday, November 14, 2010

chapter 22 (part 1)

may rest house sila James sa Palawan at duon sila tumuloy
nakilala na din ng ama ni James si Devon
natuwa naman ito kay Devon, dahil sa personalidad nito at ugaling masiyahin

ika-limang araw nila sa Palawan
hapon ng magkasama sila James at Devon sa beach kasama si Thea
si April naman ay namamasyal sa mga suvenier shops, mas maganda na daw na maaga syang makapamili
ang daddy naman nila James ay nag papamasahe sa spa

nakahiga si Devon sa isang stretched chair, sa kabila nya ay si James
nakapikit si Devon habang nakashades kaya hindi nya napansing tumayo si James

napadilat si Devon sa gulat ng may biglang tumabi sa kanya
"you know, I always dream of living here with the girl I love" sabi ni James sabay ngiti
ngumiti naman si Devon at umupo sa tabi ni James
"I think somehow, my dream is coming true, don't you think?" dugtong pa ni James na nakangiti padin
isinandal ni Devon ang ulo nya sa balikat ni James, pareho silang pinapanuod si Thea na gumagawa ng sand castle
"yeah, it's coming true" bulong ni James at isinandal din ang ulo sa ulo ni Devon

biglang nawala sa paningin nila si Thea kaya nag-alala ang dalawa
palinga linga sila nang ginulat sila ni Thea
"ate! kuya!" bigla nyang tawag sa dalawa
"Thea! san ka ba nagpunta?" sabay na tanong ng dalawa
yumuko si Thea at iniabot ang isang bulaklak na pinitas nya para kay Devon
ngumiti na lang ang dalawa at binuhat ni James si Thea

"kuya look!" sabi ni Thea na nakaturo sa dagat
napatingin sila Devon at James sa tinuturo ni Thea
nagtinginan sila dalawa at nag ngitian
pinanuod nilang tatlo ang paglubog ng araw habang naglalakad sa dalampasigan
nasa gitna si Thea at nakahawak sya sa mga kamay nila Devon at James na parang isang pamilya

napapangiti naman ang mga taong nadadaanan nila
agad namang sinasabi ni James sa mga nakakasalubong na kapatid nya ang batang kasama nila
para hindi sila mapagisipan ng masama
hindi mapigilan nila Devon at James ang mapangiti sa mga nangyayari sa araw na iyon
___________________________________________________________________________


natapos ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa manila
dalawang lingo matapos ang bakasyon nilang magkasama ay nagtext si James kay Devon

"I'll pick you up later, around 6pm, wear your best :)"
"bakit? san tayo pupunta?"

hindi na sumagot si James, pero ginawa ni Devon ang sabi ni James
naghihintay si Devon, alas sais na pero wala padin si James
tinignan nya ang cellphone nya at nagulat sya dahil sa dami ng misscall
agad nyang tinawagan si James, pero out of coverage area palagi o kundi naman ay cannot be reach
nag-aalala na si Devon, anong nangyari kay James
alas-syete na, at naiiyak na si Devon
isang oras pa ang dumaan, sa isang oras na dumaan na yon ay tinatawagan nya ang mga kaibigan nila ni James
lahat out of coverage at cannot be reach
umiiyak na si Devon, biglang may kumatok sa pinto nila
agad agad nya binuksan
"James?!"
pagkabukas nya ng pinto ay dismayado sya, hindi si James ang nasa pinto

"Devon.." kinakabahang boses ni Fretzie at mga mukha nilang nag-aalala
"bakit?" naluluha na naman si Devon, hinahanap nya si James pero wala ito
"asan si James?" hanap nya nang hindi ito makita
"Devs, wala ba sya dito?" tanong ni Fretzie
"wala sya dito" kabadong sagot ni Devon
lumapit sa kanya si Bret dahil halatang konti na lang ay babagsak na si Devon
"hindi nyo ba sya kasama?" umiiyak na tanong ni Devon
"Devs, sorry, but he's not with us, we were helping him with .." naputol na sinasabi ni Ann
"he said he'll pick you up" dugtong ni Ivan
"wala, kanina pa ako naghihintay sa kanya" sagot naman ni Devon

nagkatinginan silang lahat at nagtakbuhan sa mga kotse, pumunta sila sa bahay nila James
katok dito, sigaw don, umiiyak padin si Devon nang lumabas si Nanay Saling
naglapitan silang lahat, iisa ang tanong
"si James po?!" kabado nilang tanong lahat
"naku, umalis sila ng ate nya, pumuntang Australia" gulong sagot ni Nanay Saling
nagulat silang lahat sa narinig, bakit biglang umalis si James na hindi nagpapaalam?

napatingin silang lahat kay Devon na hindi alam kung anong mararamdaman sa mga oras na yon
"Nay ano pong nangyari?" tanong ni Bret
"ung lola kasi nila, inatake sa puso, pinauna sila April at James na pumunta ng Australia" sagot ng matanda
"si Thea po andyan pa?" tanong ni Devon
"oo, tatawagin ko ba?" tanong ni Nanay Saling, naaawa na sya kay Devon, bakas sa mukha ng dalaga ang lungkot
tinawag ni Nanay Saling si Thea

patakbo namang lumabas si Thea
"ate Devon!" sabi ni Thea sabay yakap kay Devon
___________________________________________________________________________


5hours ago

nagaayos sila James kasama ang mga kaibigan nila ni Devon sa isang garden,
ngayon nya kasi tatanungin si Devon kung pwede ba nya ito maging girlfriend
nagpaalam si James sa mga kaibigang na susunduin na nya si Devon

habang nasa daan si James ay biglang tumawag ang daddy nya
"James?! where are you?!"
"dad? is there a problem? I'm on my way to Devon's house"
"son, you gotta get back here, now!"
"why dad? I'll ask Devon tonight to be my girl, can't it wait?"
"no son! your grandma had a heart attack"
natigilan si James, para syang namanhid, sinong uunahin nya?

prumeno si James, hindi na nya alam kung anong gagawin, tinatawagan nya si Devon pero hindi ito sumasagot
naiiyak na din si James sa nangyayari, bakit ngayon pa? bakit ngayon kung kelan nagkalakas na sya ng loob?
nakapag disisyon na sya, uuwi muna sya, at kakausapin na lang muna si Devon

gumawa sya ng maikling sulat at iniwan kay Thea, dahil alam nyang mahuhuli pa sila ng daddy nila na pupuntang Australia
tinatawagan padin ni James si Devon, pero wala pading sagot
tinatawagan na din nya ang mga kaibigan, pero minamalas ata sya dahil mukhang walang signal sa lugar ng mga kaibigan nya

pasakay na sila sa private plane ng pamilya nila ni April, ay tinatawagan padin ni James si Devon
walang sagot.. dito na nagumpisang maluha si James, baka kung anong isipin ni Devon
sigurado syang mag-aalala ang dalaga, isa pa, hindi nya alam kung gano katagal sya sa Australia
___________________________________________________________________________

5 comments: