Monday, November 15, 2010

chapter 23 (part 1)

hindi ako makapag hintay hanggang bukas.. kaya eto na ung chapter 23 :)
bukas na lang ung part 2
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


"Devon" masayang bati ni James
nakangiti si Devon
"James, musta na?"
"fine, but uhh.."
iba nanaman ang pakiramdam ni Devon
"bakit? may problema ba?" tanong nya
"I'll be studying here, for two years.. I'll finish college here"
nalungkot bigla si Devon
"ganun katagal?"
"yeah.. and"
kinakabahan si Devon sa susunod na sasabihin ni James
"and? .."
"one of the university I enrolled on to have a rule that we are not allowed to have gadgets"
sumikip ang dibdib ni Devon
"dalawang taong walang communication?!!!" sigaw nya sa isip nya
hindi na hinintay ni Devon ang iba pang sasabihin ni James
agad na nya inabot ang cellphone kay Bret at biglang umalis

tinignan ni Bret ang cellphone nya, hindi pa binababa ni James
"dude? what happened?"
"where did she go?"
"she went home I guess?"
"I'm not done what I was saying to her"
"what were you telling her anyway?"
sinabi ni James lahat ng sinabi nya kay Devon ..
pero may hindi sya nasabi dahil binigay na ni Devon ang cellphone kay Bret

"guys! we need to find Devon!" biglang sabi ni Bret pagkatapos nila magusap ni James
"why? what happened?" tanong ni Ann
"Devon got it all wrong.."
"what do you mean?"
ipinaliwanag ni Bret sa mga kaibigan ang nangyayari
"we need to find her, she might do something .. unexpected" sabi ni Ann na nag-aalala
"oo nga, Devon is different pag mga ganitong issues, hindi sya ung kilala nating Devon pag ganitong usapan" dagdag ni Fretzie
___________________________________________________________________________



usapan nila Bret at James

"I'm not really going to that academy, I cant bear two years not talking to her"
"she didn't heard that?"
"no, I was shocked when she gave the phone back to you"
"we better explain to her, I know what she's thinking"
"me too, she didn't let me finished what I was saying, dude, I'm counting on you"
"yeah, we'll find her, don't worry"
"thanks"
___________________________________________________________________________



dali dali silang pumunta sa bahay nila Devon
pero wala na silang nadatnan na tao sa bahay

"where could she be? I mean, kanina lang sya umalis.." sabi ni Ryan na napapakamot ng ulo
"do you guys know kung san pa sya pumupunta?" tanong ni Jenny
walang may alam kung nasan si Devon
ang alam lang nila sa mga pinupuntahan ni Devon ay bahay, eskwela, tambayan ng barkada, at wala nang iba

"call ate Dhemy!" biglang sabi ni Fretzie
"yeah!, pero, sinong may number nya?" tanong ni Bret
"I do" biglang sabi ni Patrick
napatingin silang lahat kay Patrick
"what? can't I like someone?" tanong nyang nakangisi
nagtawanan sila at tinawagan si Dhemy

"hello Pat?"
"Dhemy, kasama mo ba si Devon?"
"ha?" napalingon sa kapatid
"oo, bakit?"
"asan kayo?"
tinakpan ni Dhemy ang mouth piece
"Devs, sabihin ko ba?"
umiling si Devon
"Pat, sorry, ayaw sabihin ni Devon eh"
"what?! pwede pakausap sa kanya?"
umiling uli si Devon
"sorry talaga Pat"
tinapos na ni Dhemy ang tawag bago pa man makapagsalita si Patrick

"magkapatid nga sila!" inis na sabi ni Patrick
"what do we do now?" tanong ni Fretzie
kibit balikat lang ang naisagot nilang lahat
pauwi na sila nang biglang may nagtext kay Patrick

"guys wait, nagtext si Devon"
naglapitan sila
"guys, sa ibang lugar na ako magaaral, sorry if short notice, ipapa-ayos ko na lang kila ate mga papers ko para makapag transfer ng school, wag kayong mag-alala, uuwi ako dyan every summer or sem break, ingat kayong lahat, I love you all" basa ni Patrick sa text ni Devon
agad tinawagan ni Patrick si Dhemy, nagbabakasakaling makakausap na nila si Devon

"hello Pat?"
"Dhemy, Devon please"
"ha? kakasakay nya lang.."
"ano?!"
biglang na lowbat si Patrick
"shit! stupid phone!" inis na sabi nya
malulungkot na mukha ang nasa harap ng bahay nila Devon
lima na lang silang matitira sa susunod na lingo
___________________________________________________________________________



ipinaalam ni Bret ang nangyari kay James
inis na inis naman si James, kung pwede lang talaga syang umuwi ng Pilipinas ng araw na yon, gagawin na nya

pumunta si Devon sa tita nya sa Baguio
dun sya tumira, at dun na din nagpatuloy ng pag-aaral

"tama kaya tong ginagawa ko?" tanong ni Devon sa sarili
napapikit sya at naiyak
"hindi ko kaya ang two years na hindi ko man lang sya makakausap" dugtong ni Devon at nagpunas ng luha
___________________________________________________________________________



wala silang naging kontak kay Devon, kahit text o tawag
anim na bwan ang nakalipas ng lumipat si Devon
sem break nila Devon kaya umuwi sya ng maynila

inisa isa nya ang mga bahay ng mga kaibigan nya

dahil sa tagal ng hindi nila nakita si Devon ay hindi na nila naalalang sabihin kay Devon ang totoong nangyari kay James sa Australia, na hindi sya nag aral sa eskwelahan na inakala ni Devon na pinasukan nya
___________________________________________________________________________



dalawang taon ang lumipas
dalawang parang walang katapusan na taon para kila Devon at James

graduate na sila,
hinanap ng papa ni Devon si James
sinabi naman ni Devon ang nangyari
malungkot ito dahil sa nangyari, pero alam ng papa ni Devon na babalik ito para sa anak
ganun din naman si Devon, alam nyang babalik si James, pero hindi nya alam kung kelan

"dad! I thought I can go back to the Philippines now?! I did what you want me to this is unfair! I want to see Devon now, we've suffered enough dad please!" makaawa ni James sa ama nya
"no! you'll stay here!" sabi ni Sandra
hindi naman sumasagot ang daddy nya
"shut up! you're not my father nor my mother!" sigaw ni James sabay alis ng opisina ng ama
ayaw syang paalisin ni Sandra, hindi nya alam kung bakit, at hindi nya maintindihan pero kinokontrol na nito ang ama nya
___________________________________________________________________________


1 comment:

  1. wow... maliwanag n rn s wakas... grabeh, gandang sakalin ni sandra... hahahaha!!! excited n akoh s ending..!!! :):):)

    ReplyDelete