Friday, October 29, 2010

chapter 11

kinabukasan pag dating ni Devon sa teatro

"ehem" nanlilisik na mata ang nakatingin kay Devon
sumenyas ito na pumunta sa harap nya ang dalaga
nakita ni Devon si James na nandun din
huminga ng malalim si Devon at lumaapit

"where did the two of you go yesterday?!" panimula ni Mrs.Perez
"ma'am kasi po --"
"kasalanan ko po ma'am" sabat ni James
"is this true miss Soriano?" tanong ng prof nila
tumingin si Devon kay James
inaayos ni James ang salamin nang tumingin sya kay Devon
sinenyasan nya ito na sya na ang bahala
"yes ma'am" sagot ni Devon
"well then, three more hours of rehearsal for the two of you" sabi ni Mrs.Perez sa dalawa
siguradong gagabihin nanaman sila Devon at James
"pero ma'am nag practice naman po kme kahapon nung umalis kame" sabi ni Devon
"miss Soriano, hindi mo pa ba ako kilala? you have to pay the price of what you've done, kaya nga kayo nandito diba?" sagot nito
tumango na lang si Devon
umalis na ang prof nila

"sorry" sabi ni James
"okay lang un, yan, quits na tayo" sabi ni Devon na nakangiti
ngumiti na lng din si James pero nahihiya xa
___________________________________________________________________________

general practice nila ngaung araw
excused silang lahat sa mga klase nila dahil sa play na pinaghahandaan

"Ann? tapos na ba lahat ng costume?" tanong ni Jenny
"malapit na, ung kay Devs na lang ung kulang, oh my gosh! I'm sure this will fit her best, actually, kahit anong ipasuot sa kanya, she looks pretty!" sabi ni Ann na nakangiti
napangiti din si Jenny sa nakita


"hey! put that down muna!" sigaw ni Ryan na nasa stage
"hey! hey! don't do that! it will fall!" sabi din ni Bret


"Pat! hinahanap ka ni Devs" sabi ni Fretzie
"bakit daw?" tanong ni Patrick
"eksena nyo ung ipapractice, ay wait! natin plang tatlo" nakangiting sagot ni Fretzie
"cge cge, tara" sagot ni Patrick at inakbayan si Fretzie pabalik sa stage


busying busy ang lahat sa preparation para bukas
si James naman ay nasa isang upuan sa pinaka harap at naka-slouch, animoy inaantok
lumapit sa kanya si Ivan

"hey" bati ni Ivan at umupo sa tabi ni James
"hey, I'm getting sleepy already" sabi ni James
"I can see that, but will you fall asleep if --" sabi ni Ivan na may nakakalokong ngiti
"what?" tanong ni James
tinapik lang ni Ivan sa balikat si James at tumayo na
pumunta si Ivan kay Ann at hinalikan ito ng mabilis sa lips
naka sunod ng tingin si James kay Ivan
bumalik si Ivan sa tabi James
"what was that about?" tanong ni James
"nothing, I just want to kiss my girl, is that bad?" tanong ni Ivan na nakangiti
ngumiti na lng si James at tumingin kay Devon na may inaayos sa stage

napatingin si James sa taas
"sh*t!" biglang tumayo si James at walang anu-ano ay tinalon paakyat ang stage
"Devon!" sigaw ni James
napatingin si Devon kay James
sa isang kisap mata, nakayakap na si James kay Devon
nagulat si Devon at ..

*BLAG!!!* isang malakas na impact ang naramdaman ng lahat ng nasa stage
isa sa mga nakasabit na props ang nahulog sa kinatatayuan ni Devon kanina
palapit pa lang sila Fretzie at Patrick kay Devon, buti at mejo malayo pa sila ng bumagsak ang props kaya hindi sila napaano

napahiga sila James at Devon
nakasaklob ang kamay ni James sa ulo ni Devon para protektahan ito
halos mahulog na din ang salamin ni James sa ginawa
walang makapag salita sa nangyari
natulala si Devon
nagtakbuhan ang mga tao palapit sa kanila

"Devon? Devon!" tawag ni James
nawalan ng malay si Devon
huling nakita ni Devon ay ang mukha ni James at ang ingay ng mga taong nasa paligid nila
___________________________________________________________________________

"James are you sure?" tanong ni Ann
"yeah, balik na kayo dun, ako na bahala kay Devon" sagot ni James
"alagaan mo si Devon ha?" sabi ni Fretzie na nagaalala
lumapit si Bret kay James at bumulong
"dude, you're a knight-in-shining-armor!" sabi ni Bret na nakangiti at tinapik ang balikat ni James
"take care of you're beautiful maiden" dagdag pa ni Bret
nilapitan ni Bret si Fretzie at pinapakalma ito

naghihintay sa labas ng clinic sila Ivan, Patrick, Jenny at Ryan
"is Devon okay now?" tanong ni Jenny
"I'm lilly sorry, I told the guy to put it down muna, buti na lang James is fast" sabi ni Ryan
"is she gonna be fine?" tanong ni Patrick
"yeah, si James na lang muna magbabantay sa kanya" sagot ni Ann
"mamaya siguro makakabalik na sila" sabi ni Bret at nagumpisa na silang maglakad pabalik sa teatro
___________________________________________________________________________

after 30mins.
"mmmmm"
"Devon?" sabi ni James at lumapit sa kinahihigaan ni Devon
"James?" mahinang sabi ni Devon
"are you okay? do you want water? are you hungry? what do you need? God! I almost lose you" sunod-sunod na tanong ni James, at sa huling nasabi nya natigilan sya
"I mean, we. well you get what I mean" paliwanag nya at ngumiti
ngumiti din si Devon
"anong nangyari?" tanong nya at pinilit tumayo
nahilo si Devon
"wait, don't stand up yet, here" alalay ni James at nilagyan ng unan sa ulo si Devon habang nakaupo
"thank you, anong nangyari?" muling tanong ni Devon
"you fainted" sagot ni James at inabutan si Devon ng inumin
"ha?! baket?"
"may bumagsak na props"
"nahulugan ako?!"
"no! I saved you, see?" sagot ni James at pinakita ang gasgas sa braso
nanlaki ang mata ni Devon
"hala! naku, sorry ha?" sabi ni Devon at pilit lumapit kay James
"hey, I'm fine, you just rest" sabi ni James at pinaupo si Devon

dumating ang nurse
"Devon? gising ka na pala, okay ka na ba?" tanong nito
"mejo nahihilo pa po" sagot ng dalaga
"sige, magpahinga ka muna ha?" sabi ng nurse at umalis muli

"are you hungry?" tanong ni James
"no, I'm fine" sagot ni Devon
___________________________________________________________________________

pagkalipas ng 30mins. ay umalis na sila Devon sa clinic
"are you sure you're fine?" tanong ni James
"oo nga, okay lang ako, wag ka na mag-alala" sagot ni Devon
wala pang alas tres kaya pwede pang bumalik sila Devon sa teatro para mag praktis
pero makulit si James kaya pinakain muna nya si Devon
"ikaw ha, inii-spoiled mo na ako!" sabi ni Devon habang tinitignan ang pagkaing binili ni James
"hindi ah, para lumakas ka" sagot ni James na nakangiti
ngumiti si Devon at kumain na sila
___________________________________________________________________________

alas tres ng bumalik sila sa teatro
"oh my gosh! Devs!" sigaw ni Ann at niyakap ang kaibigan
"okay ka na ba? wala na bang masakit sayo?" tanong nya dito at hinawkan ang mukha
"okay lng ako" sagot ni Devon
naglapitan ang mga kaibigan nila

"Devs okay ka lang?"
"nasaktan ka ba?"
"baka nahihilo ka pa"
"may nabali ba sayo?"
"kaya mo na bang mag practice?"

mga naririnig ni Devon na sabi ng mga kaibigan nya
ngumiti si Devon
"hey, nagasgasan din ako ah!?" pabirong sabi ni James
"okay ka lang naman diba dude? hero ka na nga eh" sagot ni Bret at tumawa
"oo nga, okay ka lang naman James, si Devon ang iniisip namen" dagdag pa ni Patrick at tumawa din
"yeah, she's all I can think about too" bulong ni James
nagtawanan silang lahat kaya walang nakarinig ng sinabi ni James
"okay lang ako, wag na kayong mag-alala" sabi naman ni Devon
___________________________________________________________________________

alas-5 nang pauwiin ni Mrs. Perez ang ibang cast, propsmen at designer
naiwan sila Devon at James dahil sa parusa nilang tatlong oras na extention ng pag papractice

alas-6 na at nasa teatro parin ang dalawa
mejo madilim na sa loob dahil sila na lang naman ang tao
pinatay na ang mga ilaw maliban sa ilaw sa stage
nang mabagot si James ay biniro nya si Devon

"hey, what's that?!" sabi ni James na nakaturo sa likod ni Devon
"ha?! anu un?!" tanong ni Devon na ayaw lumingon
"James naman eh! wag ka nang manakot! sisigaw talaga ako" dagdag pa ni Devon
"hindi kita tinatakot!" sabi ni James at tumayo
"James!!!" sigaw ni Devon at tumayo din
"sh*t! let's get out of here!" sabi ni James at tumakbo bigla
naiwan sandali si Devon at nang makitang tumakbo si James ay walang anu-ano ay tumakbo na din sya

hindi nakita ni Devon kung san pumunta si James
nagkahiwalay sila
naiiyak na si Devon sa takot
habang hinahanap nya si James ay biglang namatay ang ilaw sa dinadaanan nya
"aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!" tili ni Devon

may dumaan sa likod nya at naramdaman nya ang lamig ng hangin
"aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!" isang sigaw pa ang binitawan ni Devon
ngayon, umiiyak na sya
"James!!!!!" umiiyak na sabi ni Devon habang binahanap si James

bigalng may yumakap sa likod nya at bumukas ang ilaw
kinakabahan si Devon, hindi nya maigalaw ang mga kamay nya
napalunok si Devon
"sorry, niloloko lang kita" bulong ni James
humarap si Devon kay James na maluha luha
"nakakainis ka!!!" sabi ni Devon at hinampas hampas si James

pinaghahampas ni Devon si James ng walang tigil
nang magumpisa nanamang magluha ang mata ni Devon ay niyakap sya ni James
"hindi kita pababayaan, wag ka nang umiyak, sorry na" sabi ni James

mejo niluwagan ni James ang pagkakayakap kay Devon
magkaharap sila
malapit ang mukha ng isa't isa
magkatitigan
mejo malapit na ang labi ni James kay Devon
isang pulgada na lang at maglalapat na ang labi ng dalawa..

"may multo ba jan?!!" tanong ng guard
inilayo nila James at Devon ang mukha sa isa't isa bago pa sila mag kiss
inalis na din ni James ang yakap kay Devon
"wag kang magpapakita ha?! may flash light ako!" sabi pa ng guard
natawa sila Devon at James sa narinig at nagpasyang lumabas ng stage at magpakita sa guard

"kuya!! nag pa-practice lng po kme kanina" sabi ni Devon
"ay jusko!!!" gulat na sabi ng guard
"sa labas na lang kayo mag practice, isara na natin tong teatro, nakakatakot!" sabi ng guard
nag ngitian sila Devon at James at lumabas na nga

2 comments:

  1. Hahahaha funny nung dulo... Si Mister guard scardy cat... Lapit na pala holloween... Happy Halloween!

    ReplyDelete
  2. hehehehheh nakakatawa na man c guard,.,.,.,. :)

    ReplyDelete