"wooh! totohanin na kasi!" sigaw ng isa sa mga nakanuod
namula naman si Devon
"ipopost ko sa bulletin kung anu-ano ang mga role nyo, but I assure this, Devon and James, you two will be the lead characters" nakangiting sabi ng prof nila
bumaba ng stage sila Devon at James, lumapit sa mga kaibigan
halos mapunit ang mga bibig ng mga kaibigan nila sa pag ngiti
kinakabahan ang dalawa sa sasabihin ng mga kaibigan nila, tahimik lng ang mga itong nakatingin sa kanila
"one word. 'perfect'!" basag ni Bret sa katahimikan
sunod sunod sa pagsangayon ang mga kasama nila
hindi na sila halos magkaintindihan
___________________________________________________________________________
"let's eat ice cream guys" pilit na pagbabago ni James ng usapan
"oo nga! tara, mainit guys, kain tayo ice cream" pag sangayon ni Devon
pumayag naman ang mga kasama nila pero hindi padin natatapos ang usapan tungkol sa dalawa
tahimik lng naman sina James at Devon ng mapansin sila ni Ivan
tumahimik din si Ivan, na sinundan ng mga kaibigan nila
napatingin sila Devon at James sa mga kasama
"o? bat kayo natahimik? nakatingin pa kayo samen? anu na naman ba yan?" tanong ni Devon sa mga kaibigang nakatingin sa kanila
"wala, baket? masama na bang tumigin ngayon?" sagot ni Ann na napapangiti
"weeh? ay nako! kilala ko yang mga tingin nyong yan, may sasabihin na naman kayo" sabi ni Devon
"wala ah! to naman, parang tinitignan lang" nakangiting sagot ni Fretzie
"ay ewan ko sa inyo" sagot ni Devon
nakatingin lng din naman si James sa dalaga habang kausap nito ang mga kaibigan nila
"so lagi na kayong mag papraktis na mag kasama?" tanong ni Patrick
"of course! for sure yun!" sagot naman ni Ivan
nag apir sila Ivan at Patrick
"heh!" pikon na sagot ni Devon
"fine fine, di na namin kayo aasarin" sabi ni Patrick na nakangiti padin
"talaga lang ha?" makahulugang sabi ni Devon
tumawa naman si Patrick
___________________________________________________________________________
napatingin si Devon sa relo nya
"hala! hapon na?!" bigla nyang nasabi
"why?" tanong ni James na nasa harap nya
"may pupuntahan nga pala ako" sabi ni Devon na agad inayos ang mga gamit
"do you need someone to accompany you?" tanong ni James
napatigil naman si Devon sa pag-aayos ng gamit at napatingin kay James
"no, I can manage" sagot nyang nakangiti at itinuloy ang pag aayos ng gamit
"sure?" tanong muli ni James
"ui Devs! nag pi-prisinta na oh! isama mo na!" sabi ni Fretzie habang pinapanuod ang dalawa
tumingin naman si Devon kila Fretzie, nakitingin silang lahat sa kanila ni James
"e baka mapagod lang sya, tsaka madami akong pupuntahan" pangongontra naman ni Devon
"ayaw mo nun? may kasama ka?" singit naman ni Bret sa usapan
"yeah, he'll be a help too, right baby James?" dugtong pa ni Jenny
tumingin naman si Devon kay James
"sigurado kang sasama ka?" tanong nya sa binata
"yeah" sagot naman ni James at ngumiti
"cge na nga, basta ikaw magbabayad ng pamasahe mo ha?" alanganin na sabi ni Devon
tumawa naman bigla si Ryan
"Devs! what are you talking about? si James is gonna pay? why? you think you'll ride a jeep or something?" tanong ni Ryan
"ha? baket? mag cocommute kme! bat hindi sya magbabayad? wala akong pera noh!" sagot naman ni Devon na walang kaalam alam
sumenyas naman si James sa mga kaibigan na wag nang magsalita at inaya na si Devon na umalis
nag paalam na sila sa mga kaibigan at nag lakad
___________________________________________________________________________
"James! where are you going? papunta sa parking lot yan eh, dito ung palabas oh" sabi ni Devon sabay turo sa kabilang dereksyon
"we'll go that way later, we just have to make a stop over at the parking lot" sagot ni James
naguluhan naman si Devon at sumunod na lang, pagdating sa parking lot at tumigil si James sa tapat ng isang kotse
nakatingin lang si Devon sa kanya
"why are you standing there? come here" tawag ni James sa dalaga
"ano bang ginagawa natin dito?" nagtataka pading tanong ni Devon
binuksan ni James ang pinto ng passenger seat
"get in" pagpapapasok sa dalaga
"ha?! sayo to?!" gulat na tanong ni Devon
"yeah" simpleng sagot ni James at pinapasok na si Devon sa loob
pagkasara ng pinto sa tabi ni Devon ay umikot si James papunta sa driver's seat
"where are we going?" tanong ni James pagka start ng kotse
hindi padin makapaniwala si Devon, nahiya sya sa sinabi nya kanina
"ha? ano, sa grocery, tsaka sa flower shop" sagot ni Devon
"flower shop? why?" tanong ni James at pinaandar na ang sasakyan
"gusto ko kasing ipaghanda si papa ng dinner ngaung gabi, bibili lng ako ng bulaklak para pang center table" sagot ni Devon
"ah, wow, special dinner?" sabi ni James
"oo, kararating lng kasi ni papa kahapon galing ibang bansa" sagot ni Devon na nakangiti
"oh, I see, so san mo gusto maunang pumunta? grocery or flower shop?" tanong nya kay Devon
"wow, ang galing mo palang mag tagalog?" manghang tanong ni Devon, dahil ngayon nya lng narinig mag tagalog si James
"just a little, I'm still learning" sagot naman ni James
"ah, pero ang galing mo na" sabi pa ni Devon
"thanks, so, where? grocery or flower shop?" muling tanong ni James
"flower shop na lang, baka lumansa dito sa kotse mo pag iinuna nating mag grocery" sagot ni Devon
"okay" sabi ni James
___________________________________________________________________________
saglit pa ay dumating na sila sa isang flower shop
"good afternoon ma'am, sir" bati ng isang babaeng nagbabantay ng flower shop
"good afternoon din, a miss, hindi ko kasi alam kung anong magandang pang center table, pwede mo ba akong tulungan?" tanong ni Devon habang tumitingin ng mga bulaklak
"sige po ma'am, ano po bang okasyon?" tanong ng babae
"pang dinner lang" sagot ni Devon
napatingin naman ang babae kay James na tumitingin din ng bulaklak
"ma'am, eto pong carnation maganda, tapos bibigyan ko na lang po kayo ng fern at daisy pang design" sagot ng babae at ngumiti
"salamat" sabi ni Devon
sa counter ay napansin ni Devon na wala na si James sa flower shop, pag tingin nya sa kotse nito ay nanduon na si James na naghihintay sa kanya
"ma'am, ang swerte nyo naman po sa boyfriend nyo" biglang sabi ng babae sa counter
"ha? ung lalakeng kasama ko? hindi ko po boyfriend un" sagot ni Devon na nahihiya
"ganun po ba ma'am? sabi nyo po eh" nakakalokong sagot ng babae kay Devon
napakunot noo naman si Devon sa sinabi ng babae, "anu kaya ibig sabihin neto?" tanong ni Devon sa sarili
"eto na po ma'am, thank you po, come again!" inabot ng babae ang binalot na mga bulaklak
paglapit ni Devon sa kotse ni James ay kita na nyang nakangiti ito
binuksan ni Devon ang pinto ng back seat at inilapag ang mga bulaklak duon
muling napatingin si Devon sa dalawang babae sa loob ng flower shop
ngumiti ang dalawa at kumaway, ngumiti din si Devon at sumenyas ng pamamaalam
pagbukas ni Devon ng pinto ay nagulat sya, dahil sa nakitang isang piraso ng blue tulips sa upuan nya
napatingin si Devon kay James, lumingon din si Devon sa loob ng flower shop
nakangiti lng naman ang dalawang babae sa loob
samantalang tahimik lng naman si James at hinihintay syang pumasok
kinuha ni Devon ang bulaklak at sumakay
napangiti sya, "thank you" sabi nya kay James
"welcome" ngumiti si James, inayos nya ang salamin at pinaandar na ang sasakyan
___________________________________________________________________________
pagkalipas ng 20mins. ay nasa grocery na sila
"sasama ka sa loob?" tanong ni Devon
"do you want me to?" patanong na sagot ni James
"anu kaya un, ikaw bahala" sagot naman ni Devon
"I'll just wait for you, people are looking at us when we're together" sagot ni James
"oo nga eh, sige mabilis lang ako" sabi ni Devon at lumabas na ng kotse
saglit nga lang si Devon, makalipas lang ang halos 20mins ay nakita na sya ni James na nagbabayad
bumaba naman si James ng kotse para tulungan si Devon sa mga bitbit nito
bago pa mahawakan ni Devon ang plastik ay may bigalng pumulot ng mga ito
napatingin si Devon sa kumuha
"James? akala ko sa kotse ka lang?" gulat nyang tanong na may kaba dahil sa pagka gulat
"I can't let you lift such a heavy bag" sagot naman ni James at ngumiti, nauna na syang pumunta sa kotse
habang si Devon ay hinihintay pa ang sukli
"sweet naman ng boyfriend mo ma'am" sabi ng cashier
"hala! hindi ko po sya boyfriend" namumulang sabi ni Devon
ngumiti lng naman ang cashier at sumunod na si Devon sa kotse
"thank you ha, ikaw naman, pinapakaba mo ako, akala ko may magnanakaw na ng binili ko" sabi ni Devon sa binata
napangiti naman si James sa sinabi ni Devon
mejo dumidilim na, at halos 10minuto pa ang layo ng bahay nila Devon sa pinuntahan nilang grocery
binuksan ni James ang radio pag-upo nya
___________________________________________________________________________
Passenger Seat by Stephen Speaks
♫♫ I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her Hair Blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply
That I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Oh and I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Oh and I know this love grow
... ♫♫
___________________________________________________________________________
parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan nilang dalawa ng marinig ang kanta
tahimik lang sila habang pauwi sa bahay nila Devon
tinuturo ni Devon ang daan papunta sa kanila, dahil ito pa lang ang unang beses na makakapunta si James duon
dumating sila sa bahay nila Devon
inaya ni Devon si James sa loob
"ma? andito na po ako" sabi ni Devon pag pasok ng bahay
"andito ako sa taas nak" sagot naman ng mama nya
"ma, may kasama po ako" sabi muli ni Devon
sumilip ang ina nya mula sa hagdan, nakitang lalake ang kasama ng anak
"ay, may kasama ka pla, hindi mo sinabi agad, sino sya?" bumaba ang mama ni Devon at tinignan si James
"James po" pakilala ni James sa sarili at nagmano sa mama ni Devon
"ah, ikaw pala si James" nakangiting sabi ng mama ni Devon
"ma, sila papa po?" tanong ni Devon
"umalis. kasama sila ate mo, mamaya pa ata sila dadating" sagot nito sa anak
"sakto! magluluto ako ng sinigang!" sabi ni Devon at inilagay sa kusina ang mga dala
"James, upo ka muna jan, nuod ka muna, dito ka na kumain" sabi ni Devon habang inilalabas ang mga ipinamili
"oo nga, mukang inabala ka pa ni Devon, dito ka na maghapunan ha?" dugtong ng nanay ni Devon
"ah, sige po, favorite ko din po kasi ung sinigang" sabi ni James at ngumiti
narinig naman ni Devon ang sabi ng binata at napangiti
"buti na lang specialty ko to!" sa isip isip ni Devon
maya maya pa ay dumating na ang papa ni Devon at mga kapatid
"hala!" bigalng sabi ni Dhemy ng may makitang lalake sa sofa
bigla namang tumayo si James at bumati sa mga dumating
"good evening po, ako po si James" pakilala nya sa papa ni Devon at mga ate
"magandang gabi din" sagot ng papa nila
bigla ding lumabas si Devon galing sa kusina
"papa si James po, sinamahan po kasi ako, tas hinatid dito, kaya sabi ko po dito na sya mag hapunan" paliwanag ng dalaga
"ah, sige, tapos ka na bang magluto?" tanong ng papa nya
"malapit na po pa" sagot naman ng dalaga
nakatingin ang mga kapatid ni Devon kay James
GOsh... Kakakilig na ah
ReplyDeletegoshhhhhhh.,.,.,.kiligerssssssssssss
ReplyDeleteang cute ng story!! i like it ;)
ReplyDeletemy goodness naman!
ReplyDeleteang sweet ni James.
karukay ka sis, galing gumawa ng story..